7

4.8K 225 61
                                    

"Sabi ko naman sa'yo, 'wag mo na muna ako alalahanin, umuwi ka muna sa bahay at pagtuonan mo ng pansin 'yang entrance exam mo," utos ng nanay niya sa kanya. Hindi pinansin ni Marcus ang sinabi nito. Bagkus, tinuloy niya ang pag-aayos ng mga prutas na ibinigay ni Alex para sa nanay niya.

Limang araw nang naka-confine ang nanay niya dito sa ospital simula nang himatayin ito. Hindi mapakali si Marcus nang araw na iyon at hindi niya alam kung sino ang tatawagan. Lalo na't paalala sa kanya ng tatay niya na huwag na huwag silang tatawag nang mga alanganing oras dahil baka mabasa ng asawa nito.

Tumawag kaagad siya ng ambulansya at naisugod na niya ang nanay niya. Iba ang takbo ng puso ni Marcus noong araw na iyon, pakiramdam niya tumitigil ang mundo. Pinagmamasdan niya lang ang nanghihinang mukha ng nanay niya habang tinatahak ng ambulansya ang daan patungo sa ospital. Hawak-hawak ang kamay nito at nagdadasal na sana maayos ang kalagayan ng nanay niya.

Nang makaraan ang ilang oras, inilipat na ang nanay niya sa ICU. At dahil walang ibang pamilya, kay Marcus ibinanggit ang kalagayan ng nanay niya.

Mabigat sa dibdib matapos malaman ni Marcus na mayroong malubhang sakit ito.

"Marcus, nakikinig ka ba?" tanong pa muli nito sa kanya kaya nilingunan niya ito.

"Sino magbabantay sa'yo?" tanong niya dito pabalik.

Napabuntong hininga ang nanay niya, "Hindi ko kailangan ng magbabantay, anak. Mas kailangan mong mag-aral."

Lumapit si Marcus sa kama nito at umupo sa tabi.

"Maya-maya aalis na rin ako," paliwanag niya dito. Hinawakan niya ito sa kamay at tumingin sa mga mata nito.

"Anak, sundin mo na lang ang tatay mo. Kapag nakapagtapos ka ng kolehiyo magiging proud siya sa'yo," nakangiting sabi nito.

"Hindi ko nga alam kung tama bang kunin ko yung PolSci. Hindi ko naman alam 'yun," ika niya.

"Anak, Marcus, kapag sinabi ng tatay mo, sundin mo na lang. Kahit hindi ko kinuha noon ang PolSci noong college, alam kong magandang kurso 'yan," saad pa nito.

Nakapagtapos ng kursong accountancy. Nang makapagtapos, maraming trabaho na iba't ibang nakuha hanggang sa naging sekretarya ng tatay niya. Doon nagsimula ang kwento ng dalawa at naubo si Marcus.

Hindi mapalagay si Marcus sa upuan niya. Parehas sila ng iniisip ng nanay niya, ang sundin ang gusto ng tatay niya. May bahagi man sa pananaw ni Marcus na hindi niya ito gusto, pipilitin niya.

"Maganda daw 'yung PolSci doon sa Western River, chineck ko website nila. Maganda facilities at kilala yung team nila," paliwanag nito.

"Kung wala lang ako dito ngayon, ako ang sumama sa'yo sa university na 'yan," sabi nito habang hawak-hawak ang ulo ni Marcus. "Kung wala lang akong sakit anak."

Natahimik si Marcus sa sinabi nito. Napabuntong hininga siya. Kinuha niya ang kamay nito at hinawakan nito. Tumigin sa mga mata nito.

"Ba't hindi mo sinabi, ma?"

Napa-iwas ng tingin ang nanay niya dahil sa tanong niya. Tinatago ng nanay niya ang tungkol sa sakit nito kaya nagtatampo siya dito. Mayroon itong bronchioectasis, isang kondisyon kung saan lumalawak ang daluyan ng hangin sa baga at nagkakaroon ng abnormal na pagdami ng plema kaya mas malaki ang tsansa na magkaroon ng impeksyon.

"Ma?" tanong muli ni Marcus.

Tumingin na muli ito kay Marcus, "Ayaw kong mag-alala kayo ng papa mo."

"Mas mag-aalala kami kung hindi mo kaagad sasabihin sa amin na may ganyang kang kondisyon," pangaral niya sa nanay niya. Hinigpitan ni Marcus ang hawak sa kamay nito. "Iwasan mo na rin kasi paninigarilyo mo."

DYOSA (TRANS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon