17

3.7K 192 53
                                    

A/N: Comment naman dyan mga idol. Para ganahan si author mag sulat hihi. Sorry kung minsan ang uneventful ng mga nangyayari. Sinusubukan kong i-build yung personality at relationship ng mga characters ko.

Anyway, nagpaplano akong gumawa ng tiktok? Support niyo ko. HAHAHA

Marcus

Parehas na nakatitig si Marcus at Kaiden sa langit, tila'y binibilang ang mga tala sa harapan nila. Marahil parehas nilang sinusubukang bumuo ng imahe mula sa mga magkakasunod na bituin. Constellations. Yun ang tawag nila dito, pero walang ideya si Marcus kung paano nga ba bumuo nang kagaya nito.

Malalim parin ang gabi. Huling tingin ni Marcus sa orasan niya, ala una na. Kalahating oras na ang nakalipas. Ayaw namang paulit-ulit tumingin ni Marcus sa orasan niya dahil baka isipin ni Kaiden na naboboryong siya kasama ito.

Gusto niyang buong araw kasama si Kaiden.

Nagpakilala si Kaiden sa kanya habang kalagitnaan nang pagsasayaw nilang dalawa. Napakagandang pangalan para sa isang napakagandang babae na kagaya ni Kaiden.

Ilang metro lamang ang layo sa kanila ng Makulay kaya rinig na rinig ang ingay ng musika na nagmumula rito. Maraming taong nasa harap ng labas ng makulay at nagyoyosi. Ngunit si Marcus at Kaiden ay minabuting lumayo nang kaunting metro mula sa mga ito.

Binabalot sila nang katahimikan. Wala rin namang masabi si Marcus kay Kaiden. Hindi sanay si Marcus na makipag-usap sa mga babae-lalo na sa mga babaeng kasing ganda ni Kaiden.

Inayos ni Marcus ang salamin sa kanyang ilong at panakaw na sumulyap kay Kaiden. Nakatingala ito at nakapikit-tila'y may iniisip. Sa ilang oras na muling magkasama ang dalawa, walang sumubok na magsimula ng pag-uusap tungkol sa personal nilang buhay. Walang sumubok na makilala nang lubusan ang isa't isa. Marahil tinutukoy parin nilang parehas kung sapat na ba ang oras na magkasama sila para maglabas ng mga istorya nila sa buhay. Hindi naman nagrereklamo si Marcus dahil kagaya niya, marahil palaisipan parin kay Kaiden kung mapagkakatiwalaan si Marcus.

"Ba't mo ko tinitignan?" tanong ni Kaiden na biglang minulat ang mga mata at tumingin kay Marcus.

Napakagat ng labi si Marcus dahil sa pagkabigla, "Senya na."

Sinubukan ni Marcus alisin ang tingin kay Kaiden at itinuon sa ibang bagay. Naging interesado bigla si Marcus sa sahig.

"Mahilig ka mag-sorry, 'no?" natatawang tanong ni Kaiden sa kanya.

Napakunot naman ang noo ni Marcus, "Paano mo naman nasabi?"

"Konting bagay lang, lagi ka humihingi ng tawad," tugon ni Kaiden sa kanya. "Para kang lumaki na parating nakakagawa nang mali."

Nabigla si Marcus sa sinabi ni Kaiden, ngunit hindi siya nasaktan. Bilang tugon, napangiti lang si Marcus. At marahil napansin ito ni Kaiden.

"Did I hit a spot?" tanong ni Kaiden sa kanya.

Lalong lumawak ngiti ni Marcus, inaalala ang bawat sandali sa pagkabata niya. Kung susubuking unawain, lumaki si Marcus mula sa tatay niya na kaunting kibot, dapat humingi siya ng tawad dahil maaaring may ibang mangyari sa kanya o sa nanay niya. Makailang ulit napapaniginipan ni Marcus ang mga ganitong bagay. May bahagi din ng utak niyang gusto limutin ang mga ito. Ngunit alam niyang sa sarili niyang para mapanatili at hindi maulit ang mga ganitong pangyayari, hinanap niya ito ng aral.

Tumingin si Marcus sa mga mata ni Kaiden at ngumiti, "Yeah. You did."

"Oops." Ngumiti nang malawak si Kaiden.

Natawa lang si Marcus sa naging tugon ni Kaiden. May nakasindi paring stick ng yosi sa daliri ni Kaiden, hindi na nabilang ni Marcus kung pang-ilan na ito ni Kaiden ngayong gabi. Natatakot siyang baka mangyari kay Kaiden ang nangyari sa nanay niya.

DYOSA (TRANS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon