3

5.6K 288 42
                                    

"Boy, bawal matulog dito," paggising kay Kaiden ng isang lalake. Nang imulat niya ang kanyang mga mata, may hawak itong batuta na marahang tinatapik sa balikat ni Kaiden.

"Hala, sorry po, 'di ko namalayan na nakatulog na ako," paliwanag niya.

Bumangon na si Kaiden mula sa pagkakahiga sa malamig na lapag, tinapalan lang niya ito ng sapin na gawa sa sirang karton. Kinusot ni Kaiden ang mata niya at nagmadaling nag-unat. Sinabit niya ang bag sa kanyang balikat at gumalaw na.

"Bawal matulog dito ah, sa susunod na makita kita ulit na matulog dito daldalhin kita sa barangay," ika nito. Nakasuot ito ng vest na may nakasulat na malaking TANOD sa likuran at embroided sa kanang dibdib.

"O-opo, sorry po talaga," yumuyukong sabi niya dito.

"O' siya larga na," sabi pa nito. Nagpasalamat si Kaiden bago umalis sa lugar na iyon.

Malawak ang bahagi ng palaruan na ito, may katabing basketball court at mga seesaw. Nakatulog pala siya sa likurang bahagi ng basketball court kung saan wala masyadong makakakita sa kanya.

Humikab siya habang naglalakad.

Naramdaman niya na rin ang pag-ungol ng tyan niya dahil hindi pa pala siya naghahapunan. Nang tignan niya ang orasan niya, alas sais pa lang ng umaga. Medyo malamig pa ang simoy ng hangin dahil papa-angat pa lang ang araw.

Bumuntong hininga siya nang maalala ang mga kaganapan kagabi. Hindi niya maiwasang isipin ang nanay niya dahil na nga rin mag-isa na lang itong kasama ang tatay niya. Nakakatakot isipin ang maaaring magawa nito sa nanay niya.

May pasok dapat si Kaiden ngayon. Ang kaso, hindi na rin naman siya makakapasok lalo na't masyado siyang maraming dalang bag. Marami din siyang iniisip na patuloy na bumabagabag sa kanya.

Bakit nga ba lumayas siya nang walang plano?

Marahil nadala na rin siya ng emosyon. Nagpapasalamat na lang siya dahil sa wakas nailahad niya ang ilang taong inipon niyang lakas para umalis sa bahay nila. Ilang taon na siyang binabagabag ng mga kalupitan ng tatay niya. Ilang taon na rin siyang nagkakaroon ng bangungot at takot na baka dahil sa pagkagalit nito sa kanya, patayin na lang siya bigla.

Ang pinaka kinaayawan ni Kaiden ay ang pagkadena nito sa kanya sa poste kapag galit ito sa kanya. Ilang oras siya doon na parang asong nakatali. Hindi makagalaw ng maayos, hindi makaalis, at pinagtitinginan ng mga kapitbahay.

Nanginginig siya habang inaalala ang mga bagay na iyon.

Dinukot niya ang phone niyang maliit at tinipo dito ang numero sa papel na binigay sa kanya ni Aling Marta. Desperado na siya. Kailangan niya ng tulong at dahil may nagbigay naman kahit hindi siya humihingi, hahawakan na niya ang oportunidad. Baka ito na ang tulay para mabagong lubusan ni Kaiden ang pagkatao at hinaharap niya.

Ilang beses nag-ring ang pagtawag niya bago siya nakarinig ng kaluskos sa kabilang linya. Hindi alam ni Kaiden kung bakit siya kinakabahan. Dahil ba hindi niya kilala kung sino ang tutugon sa kanya?

Hello, panimula ng nasa kabilang linya. Inayos muna ni Kaiden ang boses niya bago tumugon.

Hi po, nandyan po ba si Mamang Teresa? Tanong niya kahit pa hindi niya kilala kung sino ang tinutukoy niya.

Speaking, tugon naman nang sa kabilang linya. Mas bumilis ang tibok ng puso ni Kaiden.

Ah-eh, Kaiden po ito. Pinapupunta po ako ni Aling Marta sa inyo, ika niya, nagdadalawang isip kung sasabihin ba dito ang nangyari.

Hindi pa sumagot ang kausap ni Kaiden. Sa sandaling iyon, natakot siya. Paano kapag niloko lang pala siya ni Aling Marta? Isa pa, kinakabahan siyang baka kidnapper ang pupuntahan niya at hulihin siya bilang bakla. Gamitin ang katawan niya, ang pagiging babae niya, at ang buong pagkatao niya.

DYOSA (TRANS)Where stories live. Discover now