12

4.2K 220 42
                                    

A/N:  My baby Marcus and his mandatory mirror selfies

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

A/N:  My baby Marcus and his mandatory mirror selfies. Hihi

THIS IS NOT EDITED. I WILL EDIT IT TOMORROW MORNING.

Marcus

"Naging kakaiba na po yung pakiramdam ko simula nang makita ko si Papa na nakatingin sa akin," paliwanag ni Marcus kay Doktora Genoveva, Psychologist niya, habang nakayuko at inaalala ang bawat pangyayari pagkatapos nang laro nila na iyon. "Sinubukan ko pong gawin yung madalas nating ginagawa para makontrol ang galit ko pero hindi ko alam kung bakit hindi ko nakalma sarili ko."

Tumingala si Marcus at tinignan si Dok. Isang araw makalipas nang pangyayaring iyon, kaagad siyang tumungi dito dahil nakokonsensya siya sa mga nagawa niya. Wala rin siyang mukhang maipakita sa mga kaibigan niya dahil hindi niya magawang sabihin sa mga ito na mayroon siyang sakit sa pag-iisip.

Baka isipin pa ng mga ito na buang si Marcus.

May bahid ng pag-alala ang itsura ni Dok Genoveva. Hinawakan siya nito sa braso at ngumiti nang mahina.

"Nabanggit mong hindi mo nainom ang gamot mo, maaari ko bang itanong ang dahilan?" tanong nito sa kay Marcus.

Bumuntong hininga siya bago tumugon.

"Natatakot ako," maikling tugon ni Marcus.

"Anong ibig mong sabihin?"

Pinilit na tignan ni Marcus ang mata ni Dok. Nagdadalawang-isip kung sasabihin niya ba dito o hindi. Ngunit minura ni Marcus ang sarili niya dahil bakit pa siya magdadalawang-isip? Ilang taon na niya kausap si Doktora Genoveva tungkol sa pamilya niya. Ito lang ang pinagkakatiwalaan niya dahil bukod sa trabaho nito na antabayanan ang kalusugan ng pag-iisip ni Marcus. Para narin niya itong nanay na mapagsasabihan dahil alam niyang hindi siya nito huhusgahan.

Kapag sa nanay niya sinabi ang mga nararamdaman niya, natitiyak si Marcus na kakampihan lang nito ang tatay niya.

"Hindi ako makatulog nang gabi bago yung laro," ika niya. "Natatakot ako dahil unang beses na mapapanuod ako ng tatay ko. Buong gabi kong inisip na baka pumalpak ako buong gabi kong inisip na baka hindi magustuhan ng tatay ko ang laro ko. Natatakot akong hindi na ako maipagmalaki ng tatay ko."

Namuo ang luha sa mga mata niya, sinusubukang damhin ang bawat emosyon na namumuo sa dibdib niya. Kahit ilang beses na siyang saktan at husgahan ng sarili niyang tatay, mahal niya ito.

Kahit pa ubos na ang tiwala niya dito dahil sa pagpapabaya sa kanila, hindi parin mababagong tatay niya ito.

At bilang tatay niya, kailangan ni Marcus na ipamalas dito ang kakayahan niya upang maipagmalaki nito.

DYOSA (TRANS)Where stories live. Discover now