4

5K 256 124
                                    

Hindi maipaliwanag ni Kaiden kung gaano siya ka iritable lalo na't pa-ulit-ulit ang sinasabi ni Carla. Kaunti na lamang bibigwasan na niya ito at nang tumigil na.

"Napakalaki talaga ni Dennis, hindi ko kinaya," ika nito na halos magpaduwal na kay Kaiden sa kaiisip nang nangyari kay Dennis at Carla.

"Mahinang nilalang," bulalas niya ng malakas, intensyon niyang sa isipan lamang ito. Nang mapatingin siya sa mga kaibigan niyang bakla, tinataasan siya ng kilay ng mga ito.

"Ay, bitter si bakla, palibhasa hindi mo pa natitikman si Dennis," saad ni baklang Carla sa kanya.

Bago ka, ako muna! gusto niyang isigaw sa mukha nito ngunit sabi nga sa kanya ni Dennis dapat sikreto lang ang kung anong meron sa kanila. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit nagawa ito ni Dennis kay Kaiden at magpakain kay Carla.

Hindi ba sapat ang bibig ni Kaiden?

Hindi kagaya ni Kaiden si Carla na masyadong maboses at pinagsasabi ang kung anong naranasan nito sa buong mundo. Hindi kailangan ni Kaiden magyabang dahil masyadong personal ang tungkol dito. Hindi kasi bukas si Kaiden sa mga tao sa paligid niya, kahit pa kaibigan niya ang mga ito.

"Gaga, naisip ko lang, 'di ba dapat kapag malaki, mas kayanin natin, like duh, daks for life tayo, 'di ba?" pagkumbinsi niya sa mga ito.

Napa-isip naman si Carla, "Oo nga naman. Pero kasi malaki talaga, inaasahan kong average size lang. Sa susunod na chupa ko sa kanya mas gagalingan ko pa."

Wala nang kasunod! Nais niyang isigaw ngunit pinigilan niya ang sarili niya. Inis na inis si Kaiden sa mga nangyayari.

"Ano bang rason at biglang nagsama kayo ni Dennis?" tanong ni Robbie. Sa isipan ni Kaiden, nagpasalamat siya sa tanong nito.

"Inofferan ko siya ng pera 'te. 'Di naman tumanggi kaya maswerte ako," kinikilig na kwento pa nito habang inaalala ang nangyari.

"Magkano?" interesadong tanong naman ni Getrude. Sumulong pa ito paharap upang marinig nang maayos ang sasabihin ni Carla.

"Two-K," maikling kwento ni Carla sa kanila.

Nabigla ang tatlo sa narinig nila.

"Saan mo nakuha ang ganyang kalaki na pera?" halos sabay-sabay nilang tanong dito.

Alam nilang nanggaling si Carla sa may kaya na pamilya. Maganda ang bahay nito ngunit hindi nila alam na kaya nitong magbayad ng ganoon kalaki na pera para lang sa lalake.

Para kay Dennis.

"Ginamit ko muna 'yung pambayad ko sa entrance exam sa university na papasukan ko," kaswal na paliwanag nito sa kanila na parang wala lang.

"Ano? Ba't mo naman ginawa 'yun?" kapansin-pansin ang pagiging iritable ng boses ni Getrude sa mga tanong nito. Hindi ito masisisi ni Kaiden lalo na't ito rin naghahanap ng pera pambayad sa entrance exam.

Tinaasan ni Carla ng kilay si Getrude, "OA mo naman bakla, pera lang naman 'yon! Makakahingi pa ako ulet."

"Alam ba 'yan ng magulang mong ginamit mo 'yung pera para sa entrance exam?" pagpasok ni Kaiden sa usapan.

Umiwas ng tingin si Carla, "'D-di na mahalaga 'yun 'no! Ang mahalaga, nachupa ko si Dennis."

Tumingin si Getrude kay Carla na halos hindi makapaniwala sa sinabi nito. Napailing na lamang si Kaiden at Robie. Kahit gaano ka-desperado si Kaiden hindi niya magagawang lokohin ang mga taong pinagkatiwalaan niya. Handa siyang gawan ng mga projects si Dennis, ngunit ang bayaran ito gamit ang pera ng iba, huwag na lang.

DYOSA (TRANS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon