14

4.1K 202 90
                                    

Kaiden

A/N: Kumusta kayo? Para sa inyong lahat itong chapter na to. Enjoy

""Kapag nanlaban barilin ninyo," ang eksaktong binanggit ng Pangulo habang umuusad ang kanyang State of the Nation kaninang hapon. Ito ay ang kampanya niya laban sa droga upang mabawasan umano ang kriminalidad sa ating bansa. Maaalala ring kampanya niya pa lamang sa eleksyon, ito na ang tumatak sa buong bansa. Ngunit, mabuti nga kaya ang madudulot nito sa ating bansa o patuloy lamang na lalala ang droga sa lipunan?..." Patuloy na pagsasalita ng news anchor na pinapakinggan ni Kaiden sa radyo.

Yakap-yakap ni Kaiden ang kanyang mga hita, humihikbi at sinusubukang labanan ang nararamdaman. Parang may dumadagan sa dibdib niya at tila'y agos ng gripo na nakalimutang patayin ang luha sa kanyanga mga mata.

Nagkaroon na siya ng lakas nang loob na makipaghiwalay sa kanyang nobyo na si Adonis. Ilang buwan na niya ring pinag-isipan na gawin ito dahil hindi na siya masaya. Ngunit may bahagi ng isipan niyang nagsisisi sa ginawa niya. Pero sinubukan niya itong labanan dahil alam niyang mas makabubuti sa kanyang makipaghiwalay dito.

Nang unang taong naging sila ni Adonis, puno ng paru-paro ang kanyang tyan dahil sa kilig at pagiging malambing nito sa kanya. Parati siya nitong niyayakap at hinahalikan. Ngunit may isang hindi maintindihan si Kaiden, bakit hindi itong handang maging bukas sila at ipaalam sa mga tao kung anong meron sila.

Unti-unting nagsisiliparan ang mga paru-paro hanggang sa wala na siyang maramdaman. Kahapon, unang araw na nakipaghiwalay siya dito, masaya siya dahil pakiramdam niya may tinik na nabunot mula sa dibdib niya. Ngunit ngayong pangalawang araw unti-unti ring bumabaon sa sintido niya ang ginawa niya. Ang pakikipaghiwalay niya dito.

Bumukas ang pinto ng kwarto niya ngunit hindi niya parin inangat ang ulo mula sa tuhod.

"Bakla..." narinig niyang tawag sa kanya ni Francia. "Alam kong masakit pero I am proud of you." Pagkarinig niya sa sinabi nito, inangat na niya ang kanyang ulo.

"Bakla ang sakit..." muling hagulgol ni Kaiden habang pinupunasan ang kanyang pisngi. Lumapit sa kanya si Francia at binigyan siya ng isang mahigpit na yakap na parang nagsasabing nandito lang ito palagi para sa kanya. Hindi rin ito nagsalita, kuntento na si Kaiden na makasama ito sa ganoong pagkakataon.

"Naiintindihan ko bakla...ilang taon mo na din pinag-isipan 'yan. Hindi rin biro yung haba ng pinagsamahan ninyo...Hindi naman isang araw makakalimutan mo siya..." saad ni Francia habang hinihimas ang likuran niya.

"Alam kong masakit pero hindi ko alam na ganito kasakit..." sabi ni Kaiden habang nakahawak sa dibdib niya. Nararamdaman niya muli ang bigat.

"Love you beh..." hinalikan siya ni Francia sa tuktok ng ulo sabay mahigpit na yinakap muli siya. Kahit simple lang ang ginagawa ng kaibigan niya, ramdam ni Kaiden kung gaano nito sinusubukang pagaanin ang nararamdaman niya.

"Love you too..." saad niya sabay yakap din nang mahigpit sa kaibigan niya.

Ilang sandalling magkayakap ang dalawa hanggang sa napikit ang gripo sa mga mat ani Kaiden at tulala na lamang siyang nakatitig sa salamin niya. Sabog ang mga buhok niya, namamaga ang mga mata, at mukhang ilang araw hindi naligo.

"Salamat Francia..." panimula niya sa kaibigan niyang nakayakap parin sa kanya. "Lumayo kana sa akin beh, baka makapalitan pa tayo ng mukha."

"Hype ka beh," saad nito sa kanya. Lumayo ito ngunit nakahawak parin sa likuran niya. "Mas okay kana ba ngayon?"

"Oo, kumpara kanina. Mabuti nandyan ka, hindi ko na talaga kamo alam gagawin," paliwanag niya dito. Inabot ni Kaiden ang tissue sa tukador niya at pinagpunas ito sa tuyong luha sa pisngi niya. "Uminom na lang kaya tayo ngayon? Tutal wala rin naman akong pasok kinabukasan."

DYOSA (TRANS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon