20

4.1K 189 102
                                    

A/N: 5-6 more chapters yata, let's see. Tuloy lang po kayo sa support yipee. haha

Kaiden

"Alam mo namumukhaan talaga kita eh," pagkuha ko ng atensyon ni Marcus na nakatitig sa telebisyon. Nakaplay sa palabas ang paborito niya daw na palabas na Notting Hill isang classic na love story na ilang ulit na niyang napanuod kaya pinapanuod na din niya sa akin. Sa katunayan kanina pa din ako nakatitig sa palabas at kilig na kilig. Nahihiya lang ako lumapit kay Marcus dahil baka isipin niyang masyado na akong malapit sa kanya.

"Ano? Saan?" napalingon naman sa akin si Marcus. Nginitian ko siya dahil alalang-alala ko kung saan ko siya nakikita noon.

"Isang beses pumunta kayo sa Pride Parade tapos nagpapicture ka sa akin? May mga kasama kang kaibigan mo," paliwanag ko sa kanya. Naalala ko 'to bigla dahil kanina inistalk ko ang Facebook profile ni Marcus at nang matitigan ko siya, unti-unti ko rin siyang namukhaan dahil isa siya sa highlight nang Pride Parade na yon. Gwapong Gago pa nga ang palayaw ko sa kanya. "Ay puta! Naalala ko pa! Ikaw yung sentro ng basketball team ng university na kalaban namin nung college! 'Di ba kilala mo si Giovannie at Jaime?!"

Tuwang-tuwa ako dahil bigla kong naalala ang dalawang iyon. Nang pumunta kami sa Sagada isang beses, nakasama ko sina Gio at Jaime sa tour at kapansin-pansin ang paglalambingan ng dalawang 'yon. Sabi nila mag best friend sila, pero sa lakas ng gaydar ko, damang-dama ko na more than just friends ang status ng dalawang 'yon. Na-imbyerna pa ako nang ayaw pang aminin ni Jaime dahil pansin na pansin namang may gusto sa kanya si Giovannie.

"Saglit, isa-isa lang," natatawang tugon sa akin ni Marcus. Pumulot siya ng tsitsirya sa coffee table sa haparan namin sabay kain. "Oo naalala ko pumunta kami ng Pride Parade ng mga tropa ko noon para sa kaibigan naming nag come-out sa amin bilang gay. Ally kami, sabi niya."

"Eh sila Giovannie at Jaime? Kilala mo ba sila? Alam ko kasama mo rin sila non eh, if I remembered it correctly," sabi ko pa, pilit na inaalala yung experience ko na yon.

Dahil siguro madilim kaya hindi ko masyado naaninagan ang ekspresyon ni Marcus, pero nang sinabi ko ang mga pangalan nung dalawa, tila'y nagbago ang ekspresyon niya. Parang may nangyari noon na hindi pa naikukwento ni Marcus sa akin, hindi kaya 'yun ang dahilan kung bakit nagkanda watak-watak sila ng mga tropa niya?

"Y-yeah, magkakasama kami. 'Di ba nabanggit ko sa 'yo na magtotropa kami nang mga yon noon," pinilit ni Marcus ngumiti peron pansin ang pagiging skeptical niya sa pagsagot.

"Noon," pag-emphasize ko nang sinabi niya with matching turo sa kanya. Biglang uminom si Marcus ng alak sa lata bago itinuon ang atensyon muli sa telebisyon. Kaya naninkit ang mata ko sa pagiging mausisa ko. At hindi ko papalampasin ang chismis kung hindi parin ito nababangit sa akin. Spill the tea, Marcus. "Kwento mo."

Tumingin sa akin si Marcus na may maliit na ngiti, hinawakan niya ang dulo ng ilong ko bago sumagot, "Ayaw."

"Dali na gagong gwapo," pagmamakaawa ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang matigas niyang braso with matching puppy eyes. "I need chika."

"Nope," natatawang tugon niya sa akin.

"Magtatampo ako," pagmamaktol ko na parang mata, natatawa na lang ako sa sarili ko. "Please?" muling hirit ko.

Bumuntong hininga si Marcus, "Fine."

"Nice. He-he," maikling tugon ko.

Umayos nang upo si Marcus at nang mahanap na niya ang comfortable side niya, tumingin siya sa akin.

"This happened about two years ago, hindi ko sigurado kung tama ang pagkakaalala ko," huminga ulit siya nang malalim bago umpisahan ang kwento. "May nagugustuhan ako dati—si Monica. I tried courting her, pero hindi niya ako type kaya hindi niya rin ako nagustuhan at sinagot. At the end, niligawan siya ng isa kong tropa—si Jaime."

DYOSA (TRANS)Where stories live. Discover now