8

4.4K 232 109
                                    

Kaiden

“Ang ganda mo Athena!” sigaw ni Kaiden hanggang sa sumakit ang lalamunan niya. Sumasabog ang sigaw ng mga tao sa kapaligiran habang pinanunuod ang martsa ng mga bakla na iba’t ibang uri ng makukulay na kasuotan ang suot. May parada sa harapan ni Kaiden na pabonggahan ng sinasakayan na floats. Isa sa mga kumpetisyon ngayong taon ay ang mayroong pinakamagandang nagawang floats mula sa iba’t ibang organisasyon ng sangkabaklaan sa buong NCR. 

Isinagawa ang martsa sa Marikina Sports Complex. Hindi pa nakakapasok si Kaiden sa loob ngunit alam na niyang libo-libo ang dumalo ngayong taon. Maingay na sa labas at marami nang nakasalubong si Kaiden na iba’t iba ang kasuotan. May mga humahalakhak kasama ang mga kaibigan nila, mga naka-face mask na sa tingin ni Kaiden hindi pa lantad, may mga taong namimigay ng mga flyers tungkol sa Pride March. 

Ito naman kasi ang kahalagahan ng pride, ang maging malaya. Malayo sa mapanghusgang lipunan. 

Ang Pride ay isang Protesta 

Isinasagawa ang Pride Parade hindi lang para makakuha ng litrato na suot ang bonggang damit, hindi lang ito isang pagdidiwang na pinuntahan mo para lang masabing nakadalo ka, hindi lang ito basta-basta. Inaalala dito ang mga pangyayari noong June 1969 sa isang kilalang gay bar sa America na tinatawag na Stonewall Inn. Lumaban ang mga bakla sa bar na iyon sa mga pulis na sumubok na pasukin ang gay bar. 

Isinasagawa ito upang isabuhay ang paglababan ng buong komunidad ng LGBTQI+ laban sa opresyon at diskriminasyon na patuloy paring nangyayari hanggang ngayon. 
Pangalawang beses pa lang ni Kaiden na dumalo sa Pride na taas-noong dinadala ang kanyang pinagmamalaki na katauhan. Dalawang taon na ang nakalipas nang magsimula siyang uminom ng pills.
 
At babaeng-babae na si Kaiden. 

Nakatingala si Kaiden habang pinagmamasdan si Athena, isang kilalang Drag Queen, na winawagayway ang bandera ng LGBTQI+ habang nakasakay sa isang floats. Nakasuot ito ng parang one-piece na kulay pula, full-on ang make-up, at nakawig na afro na kulay pula. 

    “Ang ganda niya!” ika ni Francia, kaibigan ni Kaiden na babae na kablock niya sa pinasukan niyang State University. Heterosexual ito ngunit isang ally. 

Parehas sila ng suot ni Francia na nakacrop-top at high-waist na maong shorts. Mayroong bandera ng LGBTQI+ sa mga pisngi nila na gawa sa pintura.
Pinanuod pa muli nina Kaiden at Francia ang iba’t ibang floats na dumaan sa harapan nila.

Manghang-mangha si Francia dahil unang beses pa lang nitong dumalo. 
Napangiti si Kaiden dahil naidala niya ang kaibigan niya sa mundong kinalalagyan niya.

Makulay.

Malaya.

Walang kinatatakutan.

Walang nanghuhusga dahil pare-pareho ang mga tao, iniintindi ang isa’t isa. 

    Kalagitnaan ng panunuod nila, nanginig ang phone ni Kaiden sa bulsa niya. Dinukot niya ito kaagad at binasa. 

    Bakla? Ano na? Kanina ka pa namin hinihintay! Mensahe sa kanya ni Getrude. Napakagat ng labi si Kaiden. Nakalimutan na niya na may babantayan nga pala silang booth. 

    Ibinulsa na ni Kaiden ang phone niya at hinawakan sa siko si Francia at hinatak ito. 

    “Hoy, baket? Nanunuod pa ako, e,” nagtatakang tanong ni Francia sa kanya.

DYOSA (TRANS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon