23

2.9K 161 53
                                    

Kaiden

Nang maglapat ang mga labi namin ni Marcus, hindi ko kaagad naisip ang maaaring maging reaksyon niya. Masyado ako nagpadala sa nararamdaman ko. Kaya nang maramdaman kong hindi niya tinutugunan ang halik ko, lumayo ako kaagad at napayuko.

"Sorry..." simula ko. Hindi ko na alam kung anong tumatakbo sa isipan ko. Binubulungan pa ako ng sarili ko na lumabas ng sasakyan at tumakbo palayo dahil hiyang hiya ako. Nakatulala lang ako sa kambyo sa harapan ko, tila'y napako sa biglang nangyari.

Hindi ako nakarinig ng tugon mula kay Marcus na hindi nakakatulong para mawala ang hiya ko. Gusto kong makatanggap kahit man lang isang salita mula sa kanya para alam kong ayos pa kaming dalawa.

Ngunit ikinabigla ko nang hawakan ako ni Marcus sa baba upang tumingin sa mga mata ko. Ilang segundo niya rin akong tinitigan, may matamis na ngiting nakaguhit sa mga labi niya. Mula sa liwanag na nagmumula sa ilaw ng kalsada, nakita ko ang sayaw ng emosyon sa mata ni Marcus. Masaya siya. Kaya kaagad na nawala ang takot at hiya sa dibdib ko.

Naramdaman ko na lang na naglapat muli ang mga labi namin ni Marcus.

Dahan-dahang gumagalaw ang labi niya at kaagad ko naman tinugunan. Hindi agresibo ang halik ni Marcus, tila'y kinakapa pa kung saan ako magiging komportable. Nang kagatin niya ang babang labi ko, binuksan ko ang aking bibig upang papasukin siya. Unti-unting niyang nahanap ang koneksyon saming dalawa. Marahan niyang ipinasok ang kanyang dila sa aking bibig kaya marahan ko din itong kinagat at sinipsip.

Hinawakan ako ni Marcus sa batok upang madiin ang aming mga labi. Masarap ang halik niya.

Inilayo niya ang mukha sa akin ngunit hindi nasisira ang tinginan naming dalawa. Hingal kaming parehas habang magkadikit ang aming mga noo. Pakiramdam ko namula ang pisngi ko nang ngumiti siya na labas ngipin.

Hindi ko alam kung ilang oras kami ni Marcus na nakapark sa kalsada doon. Sinulit ang oras na magkasama kami dahil ilang beses kaming naghalikan. At syempre hanggang doon lang 'yon. Doon ko lang rin napagtanto na hindi habol sa akin ni Marcus ang sex dahil lumalabas parin ang pagiging torpe at mahiyain niya sa tuwing natatapos ang halikan namin. Hindi siya makatingin sa akin nang diretso pero nandoon parin ang ngiti sa mga labi niya. Siya naman din madalas ang nag-i-initiate ng paghalik. Hindi naman ako umalma dahil napakalambot at tamis ng mga labi niya. Ang hirap tanggihan.

Binuhay na lang ni Marcus yung sasakyan nang mapansin naming lumiliwanag na ang labas at dumadami na ang sasakyan na dumadaan sa kalsada.

"Tara, people's park tayo," yaya niya, sumulong pa siya paharap para nakawin ang mga labi ko bago ngumiti at bumalik sa kinauupuan niya.

Naningkit ang mga mata ko dahil sa ginawa niya, "Namumuro kana ah."

"Pasensya na...ang tamis kasi ng mga labi mo...ang sarap," nakangisi na sabi niya. Hinampas ko siya ng mahina sa balikat pero sa katunayan sobrang kinilig ako sa sinabi niya.

Narinig ko lang na tumawa siya ng mahina bago laksan ang volume ng kanta ng radyo at sabay kaming kumanta sa Japanese Denim ni Daniel Ceasar. Nang maabot na namin ang people's park, kaagad din namang nakahanap si Marcus ng parkingan sa ibaba ng bundok para daw sa palusong na bahagi nito, lalakarin namin. Makailang beses na akong nakapunta dito sa lugar na ito, pero sa pagkakataong ito, iba ang nararamdaman ko. Hirap akong maipaliwanag pero alam kong masaya ako. At nakikita ko rin namang masaya si Marcus.

Ang bilis maglakad ni Marcus kaya ang sarap niyang sungalngalin para magtigil. Buong paakyat namin, tinatawanan niya lang ako. Pero sa kalagitnaan nang paakyat noong burol, hinintay na niya ako sa tuktok. Sabay kaming naglalakad habang hawak-hawak niya nang mahigpit ang kamay ko. Marami din kaming kasabay na naglalakad at napapatingin sa gawi namin, ang akala ko dahil hinuhusgahan kami pero napansin kong mas nakatitig sila kay Marcus. Kung nakakahalay lang ang pagtingin, ganon na ang ginawa ng mga to. Mga babae at baklang mga 'to! Akin lang si Marcus! Charot.

DYOSA (TRANS)Where stories live. Discover now