16

3.7K 196 63
                                    

A/N: Wow update nanaman? Sana magtuloy-tuloy.

Kaiden

"Magandang morning sa lahat, at muli magpapaalam na ang pinakamagandang Dyosa sa balat ng lupa, DJ Dyosa! Handa na ba ang lahat? Handa na beybeh! Love Handles ninyo, pag-uusapan natin 'yan dito lang sa 126.6 FM Radio," huling pagpapaalam ni Kaiden sa mga tagapakinig niya bago pihitin ang off air na pindutan. Napabuntong hininga siya at nakaramdam ng relaks.

Inalis na niya ang headphone sa kanyang ulo at isinabit sa sabitan nito. Gusto niyang magkape at yosi. Tumingala si Kaiden upang makita ang oras, alas dos na pala ng madaling araw. Tumayo na siya at nang lumabas siya nang studio, binati siya ng isa sa mga production team nila.

"Ilang araw nang mataas ang rating ng station mo, simula nung palagi nang tumatawag yung Marc na 'yon," bungad ni Benjamin kay Kaiden. Sumabay na din itong maglakad palabas ng building nila.

"Tatlong araw na siyang humihingi ng advice, hindi ko alam kung anong advice hinahanap niya," tugon ni Kaiden. Tumigil muna siya sa harap ng isang convenience store, naglabas ng kaha ng yosi—nagsindi ng stick sabay hithit nito. Binuga ang usok sa kawalan, malamig ang hatid ng menthol sa lalamunan niya.

Kumuha na rin si Benjamin ng yosi mula sa kaha ni Kaiden at sinindihan din ito sa mga labi niya, "Tungkol parin ba doon sa nang-iwan sa kanya yung hinihingi niya?"

"Oo," tumingala si Kaiden at pinagmasdan ang mga bituin sa langit. "Napansin ko medyo madaming tao ring sumusubok na subaybayan yung mga nangyayari din sa lalaking ito eh 'no?"

Malalim ang hinga ni Benjamin sabay buga ng usok bago sumagot kay Kaiden, " Nagtrending ka nga nung isang araw eh, mapagpatuloy lang 'yan solid na rating mo niyan."

"Maganda rin sigurong sakyan ko muna siya para mag-ingay din itong station ko," tumatangong sagot ni Kaiden.

"Oo nga eh, pansin ko din namang mukhang madaming oras itong Marc na ito," natatawang sagot ni Benjamin.

"Mukha nga," natawa ring sabi ni Kaiden.

"Maiba nga tayo, nabalitaan mo na ba yung tungkol sa posibleng tanggalan daw?" tanong ni Benjamin.

"Huh?"

Nagsimula nang maglakad si Kaiden at Benjamin nang maubos ang stick ng yosi sa parehas nilang daliri. Pumasok sila sa loob ng convenience store. Dumiretso si Kaiden sa aisle ng kape at nagbrew ng barako, nalanghap kaagad ni Kaiden ang amoy ng kape kaya napapikit siya dahil sa aroma nito.

"Oo, bakla, hindi daw kasi naaprubahan yung prangkisa ng channel natin, kaya posibleng magkaroon ng bawas sa mga nagtatrabaho," paliwanag ni Benjamin na nakatingin sa hilera ng condom sa harapan ng cashier.

Ikinabigla ni Kaiden ang sabi ni Benjamin kaya napatitig siya dito, "Ano? Nako, ikaw, 'wag kang magpaniwala sa mga naririnig mong chismis. Baka mangyari talaga 'yan, jusko, 'wag naman sana."

"Bakla ka, ano tingin mo sa akin? Sinungaling? Totoo tong sinasabi ko," pagtataray ni Benjamin kay Kaiden.

"At kanino mo naman narinig ang balita na 'yan, aber?" pinandidilatan ni Kaiden si Benjamin. Kinuha na ni Kaiden ang mainit niyang kape mula sa coffee maker at inilapag ito sa cashier upang bayaran.

"Sa higher ups, bakla," tugon naman ni Benjamin na kanina pang tinititigan ang cute na cashier ng convenience store.

"Sakalin kita eh, wag naman sana, kaloka, hindi ko yata makekeri mawalan ng trabaho," nastress na tugon ni Kaiden. Iniisip pa lang niya ang mga posibleng mangyari kapag nawalan siya ng trabaho, nanghihina na siya.

DYOSA (TRANS)Where stories live. Discover now