25

2.5K 145 40
                                    

Kaiden

Hinithit ko ang yosi sa mga labi ko, dinama ang lamig na hatid nito sa akin katawan. Pinagmasdan ko ang mga katabing building dito sa balcony ng pinagtatrabahuhan ko. Pauwi na sana ako kaninag alas tres nang bigla akong patawagin sa office ng head ng department namin. Hindi ko naman mawari ang dahilan pero sumunod na lang muna ako kay Benjamin na may hindi maipinta na ekspresyon. Hindi ko alam kung paiyak ba siya o nagagalit.

Tinanong ko siya kung ayos lang siya pero hindi niya ako inimik. Napakibit balikat na lang ako habang iniintindi si bakla. Baka may pinagdaraanan lang kaya ganon.

Kaya ngayon kalahating oras na akong naghihintay na papasukin ako sa office dahil sabi maghintay muna ako. Hindi naman ako mapakali kaya nagyosi muna ako.

Nakatitig lang ako sa buwan nang biglang bumukas ang pinto ng balcony at tawagin ako ni Manuela, "Kaiden, pasok kana daw sa office."

Katulad ni Benjamin, hindi rin maipinta ang itsura nito. Kaya lumubog sa pagtataka ang isipan ko dahil imposible namang parehas sila ng nararamdaman ni Benjamin.

"Alam mo ba kung bakit daw?" tanong ko sa kanya. Idiniin ko ang natitirang stick sa yosi ko sa tray.

Lumungkot ang mukha ni bakla, "Mabuti sila na ang magpaliwanag sa'yo."

Pumasok na siya sa opisina kaya ako naman ang sumunod. Wala na talaga akong maintindihan sa mga nangyayari tsaka sobrang biglaan. Ang iniisip ko baka bigayan lang ng sweldo pero wala pang akinse. Apat na araw pa lang nang huling ibigay ang sweldo namin. Pero dumaan lang sa harapan ko ang ideya na baka pinatanggal ang mga bakla sa trabaho kaya ganito.

"Baklang Manuela, pinapakaba niyo ako ni Benj," usal ko kay Manuela nang magkasabay kaming maglakad.

Ngumiti ng malungkot si Manuela, "Pasensya na Kaiden."

Hindi na niya dinugtungan ang sinabi niya nang maabot na namin ang opisina ng head ng department namin. Nagtinginan pa muli kami ni Manuela bago niya ako dineraktang papasukin. Hindi naman din siya sumunod sa akin nang makapasok ako sa opisina kaya nagtataka na talaga ako.

"Hello, madam," tawag ko boss ko. Magtatlong taon na akong nagtatrabaho sa kompanya nila at ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong kaba. Hindi ito ang unang beses na pumasok ako sa opisina ni Madam Marilou pero ito ang unang beses na parang iba ang timpla ng kapaligiran. Lumingon siya sa akin at ngumiti ng malungkot.

"Hi Kaiden, maupo ka," saad niya bago ituloy muli ang pagsusulat. Umupo ako sa libreng upuan sa harapan ng lamesa niya habang hinihintay siyang magsalita.

Tumigil na siya sa pagsusulat at tumingin sa akin. "I know you've been working really hard lately lalo na dahil may sarili ka nang FM station. Nitong mga nakaraang buwan tumataas ang rating ng programa mo dahil sa mga pakulo ninyo ng team mo. Sobrang nakakaproud kayo."

Dama ang sinseridad na nagmumula sa boses niya. Pakiramdam ko bibigyan niya ako ng reward dahil sa mga achievements ng team ko. Hindi ko naman siya masisisi lalo na't magaling magtrabaho ang team ko kaya rin nag-iingay ang FM station ko.

"Salamat po, madam," saad ko sa kanya ng nakangiti. Ikinabigla ko nang bigla niyang abutin ang kamay ko at ngumiti ng malungkot.

"Sobrang sipag mo, Kaiden. Kaya hindi maitatanggi ang accomplishments ng programa mo. Kahit pa noong una alam kong nahirapan ka, kayo ng team mo ang naghirap para makuha ang mga nangyayari ngayon. Ilang buwan pa lang kayo pero madami na kayong tagapakinig at sumusuporta," tuloy niya pang sabi habang mahigpit ang hawak sa kamay ko. Naninkit naman ang mata ko dahil iba ang pinanggagalingan ni madam.

DYOSA (TRANS)Where stories live. Discover now