24

2.9K 145 49
                                    

Marcus

"Kuya, look! I caught a fish!" pagmamalaki sa akin ni Carmella pagkababa niya ng bangkang sinakyan nila ni papa. Lumuhod ako gamit ang isang tuhod upang magkapantay kami.

"Very good ah," bati ko naman sa kanya habang pinanunuod ang isda sa plastic kung saan niya muna ito inilagay. Hinawakan ko ang ulo niya at marahang inaayos ang tela na nakalagay dito.

Wala ng buhok si Carmella. Kahit ang kilay niya nalagas na din. Ilang linggo na ang nakalipas ngunit kapansin-pansin ang muling pagbabago ng katawan niya. Ang dating malusog niyang mga pisngi, unti-unti nang numinipis at parang nakikita na ang buto niya. Bumigat ang dibdib ko pero ipinakita kong masaya ako para sa kanya dahil sa mga mata ng kapatid ko nangingibabaw parin ang saya.

"I will put it in my fish tank!" excited niya pang sunod.

Bumaba na rin si papa mula sa bangka, nagkatinginan kami ngunit walang nagsalita. Ganito na ang naging relasyon namin dahil as much as possible I avoid talking to him. I don't like arguing anymore, I just want the peace of mind I was longing for. Now that I found it with my siblings, I couldn't ask for more. Naging malapit din ako lalo kay Tita Rachel dahil tinuturing niya na rin ako bilang isa sa mga anak niya. Mahirap ipaliwanag dahil unang-una, resulta ako ng pagtataksil ni papa. Marahil sobrang bait lang talaga ni Tita Rachel na handa siyang makapagpatawad ng ilang ulit. May bahagi tuloy ng isipan ko na ito ang dahilan kung bakit nga ba hindi mapili-pili ni papa si mama.

Naglakad na kaming tatlo patungo sa tent namin na binuo namin ni Matteo. Natuloy namin ang family outing na tinutukoy ni Matteo dahil mapilit si Carmella. At syempre naman hindi namin kayang tanggihan ang maliit naming kapatid. Gusto lang namin na palagi siyang masaya.

Nakita naming nag-aayos ng mga kainan si Tita Rachel habang may kausap sa telepono si Matteo na seryoso ang mukha.

"Hello, nag-prepare na ako ng kakainin, maupo na muna kayo," bati sa amin ni Tita Rachel. Ngumiti naman ako bilang tugon. Tumakbo si Carmella papunta sa nanay niya upang ipakita rin ang isda na nahuli niya samantalang si papa ay dumiretso sa isa sa mga upuan upang kumuha na din ng pagkain.

Lumayo muna ako ng ilang metro sa kanila at tinanaw ang ganda ng kalikasan sa isang clubhouse na for Elite kuno. Hindi naman talaga ako para sa mga ganitong lugar, siguro kasi talaga sanay sila sa ganitong klaseng pamumuhay.

Nang matapos ang tawag ni Matteo, lumapit siya sa akin at bumulong, "I am coming out now."

Lumaki ang mata ko sa pagkabigla sa sinabi niya. Hindi ko alam ang mararamdaman lalo na't sobrang biglaan. Hindi ko inaasahan na makakahanap ng lakas nang loob si Matteo na sabihin ito ngayon. Napatingin ako kila papa, Tita Rachel at Carmella nag nagtatawanan sa table habang pinaghahandaan sila ng pagkain.

"Sigurado ka ba?" tanong ko kay Matteo. Naging ulap ang utak ko at sinusubukang intindihin ang sitwasyon na meron kami.

"100 %," tugon niya sa akin. Siguradong-sigurado na siya sa gagawin niya dahil kitang kita sa mukha niya ang determinasyon na sabihin ito ngayon. Ngunit iba ang nasa isipan ko, tumatakbo ng sobrang haba dahil kinakalkula ko kung paano ko sasabihin sa kanya na hindi ngayon ang tamang oras.

Hinawakan ko siya sa balikat, huminga ng malalim bago nagsalita ng mata sa mata, "I think this is not yet the right time, Matteo."

"Then when?" napangiwi siya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit nga ba dinidiktahan ko siya ngayon pero sa tingin ko iba kasi ang sitwasyon namin. Kung titignan ang itsura nila Carmella, hindi mo nanaising masira kung anoman ang nangyayari sa pagitan nila. Hindi ko hahayaang masira ang kasiyahang naka-ukit sa mukha ni Carmella ngayon. Ganitong sitwasyon ay sa tingin ko hindi ang tamang oras upang maging makasarili.

DYOSA (TRANS)Where stories live. Discover now