15

4.1K 196 77
                                    

A/N: Para sa mga naguguluhan sa bagong chapter, yung Chapter 14 po ay Time Skip ng buhay ni Kaiden ng 4 years after nung 2nd year college niya. :D Ganun din itong kay Marcus. Which is the present time. 

Marcus

"—Pakinggan naman natin ang isa nanamang tagapakinig na humihingi ng tulong sa kanyang problema tungkol sa pag-ibig...Handa na ba ang lahat? Handa na beybeh! Si DJ Dyosa ang bahala sa inyo!" boses na nagmumula sa radyo ng convenience store na pinasukan ni Marcus.

Dumiretso siya sa noodle aisle at dali-daling kumuha ng isang malaking cup noodles. Tumingin sa orasan si Marcus, alas dose na ng gabi. Tumungo naman siya sa refrigerator at kumuha ng Gatorade. Kadalasang ganito ang midnight snack ni Marcus habang gumagawa siya ng lesson plan para sa susunod pang araw na klase niya.

"Bago ang lahat magpakilala ka muna sa mga tagapakinig at kung ano ang rason kung bakit ka napatawag," maligayang bungad ni DJ Dyosa sa tumawag.

"Magandang gabi po. Ako ng apala si Eric. Gusto ko lang po ng advice DJ Dyosa...." sabi ng lalake sa kabilang linya na kausap ng DJ sa radyo.

Inilapag na ni Marcus ang mga pinamili niya sa counter upang bayaran. Matapos niyang mabayaran ang noodle, nilagyan niya ito ng kumukulong tubig—tumungo sa libreng upuan. Inilapag niya sa lamesa ang mga gamit at pinamili niya at tinakpan ang noodles gamit ang wallet niya.

"Sige ano ba 'yon? Baka makatulong kami at ang ibang tagapakinig," tugon naman ni DJ Dyosa sa kausap nitong tumawag.

Nakaharap si Marcus sa transparent na salamin ng convenience store kaya matatanaw mo ang mga nangyayari sa labas. Ngayon naman walang mga tao sa labas at kahit na sa loob ng convenience store siya lang rin ang nandidito pati ang cashier na nagbabantay.

Ilang araw na ang nakalipas nang pumunta si Marcus sa Makulay. Hindi niya inexpect na gay bar pala iyon. Nililibot kasi ni Marcus ang iba't ibang bar sa Makati at hindi niya inaasahan na ganon pala doon. Kadalasan ding mag-isa lang si Marcus kung uminom. Matapos ang mga pangyayari sa college bago siya makagraduate—nasira ang kupunan niya ng basketball at nagkanda watak-watak silang magkakaibigan, sinigurado ni Marcus na wala na siyang contact ni-isa sa mga ito.

Isang taon matapos makagraduate, nagpaalam sa kanya ang nanay niya. Hindi niya inaasahan ang mga mabilis na pangyayaring mga ito. Sinubukan ni Marcus na maging mapag-isa. Mayroon death insurance ang nanay niya kaya nang makuha niya ito, bumili si Marcus ng sarili niyang condo.

Hindi na rin siya umaasa sa tatay niya kahit pa ilang ulit siya nitong sinubukang kausapin.

"Nagparamdam ulit kasi ang ex ko sa akin...parang gusto ulit niyang makipagbalikan..." tuloy ng kausap ni DJ Dyosa.

Binuksan na ni Marcus ang noodle niya at sinimulan na niya itong kainin. Dinama ang init sa dila at sarap na sarap sa alat ng sabaw.

Tahimik nang panandalian si DJ Dyosa at hindi nakapagsalita. Ngunit, unti-unti naman din itong nahanap ang sarili at sinimulan ang pakikipag-usap sa tumawag dito.

"Ano naman ang sinabi niya?"

"Susubukin niya daw po akong suyuin..." May bahid na hiya na tugon ng tumawag kay DJ Dyosa.

"At ano naman ang sagot mo?"

"Gusto ko parin po siya..." dahan-dahan na tugon muli nang tumawag kay DJ Dyosa. Tahimik lang ulit si DJ Dyosa nang marinig niya ang tugon nito.

DYOSA (TRANS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon