19

3.9K 196 42
                                    

A/N: Hindi ko inexpect na madaming sasagot sa survey ko kaya ito ngayon ang resulta. Pasensyahan niyo na ang unang attempt ko sa first pov, I hope it works. HAHAHHA.

Anyhow, here's a glimpse of Marcus' story.

Marcus

"Are you kuya Marcus?" tanong ni Carmella nang makita niya ako sa labas ng gate ng bahay nila. Hindi ko inaasahan na sasalubungin niya ako lalo na't hindi nila ako kilala. Sumunod naman sa likuran niya ay isang lalaki na halos carbon copy ng tatay namin-si Matteo.

Inunahan na ni Matteo si Carmella sa gate upang pagbuksan ako ng pinto. Tikom parin ang mga labi ko dahil hindi ko alam kung anong isasagot sa kanila. Hindi ko sila kilala. Madalas sa telebisyon ko lang sila nakikita na kasama ng tatay namin.

"Tol Marcus," bungad sa akin ni Matteo na nakangiti bago nakipagkamayan. Tinignan ko ang kamay niya na nakalahad sa harapan ko na agad ko ding tinanggap. "I know this is a bit late, pero buti na lang nakilala kana namin."

"Walang kaso sa akin 'yon," nakangiti kong tugon sa kanila.

"I miss you so much Kuya Marcus!" puno nang sayang bati muli ni Carmela sa akin. Nabigla ako nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit.

Nagkatinginan pa kami ni Matthew na ngumiti lang sa tinuturan ng kapatid nila, "I miss you too."

Hinawakan ko si Carmella sa ulo. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko lalo na't ang akala ko hindi ganito ang pag-welcome nila sa kapatid nila sa labas-ako.

Pagbaba ko kanina mula sa sasakyan na pinangsundo sa akin ni Paul, napatitig ako sa laki ng bahay nila dito sa Maynila. Ilang beses rin akong huminga ng malalim, sinusubukang pakalmahin ang sarili dahil ilang milyong beses tumitibok ang puso ko sa kaba. Nag-iisip ng mga posibleng mangyari na dapat nilu-look forward ko na.

Hindi sa walang choice na pumunta dito, pero nang ipaliwanag sa akin ni Paul nang maayos, naunawaan ko ang sitwasyon. As much as I hate my father, I am intolerable when it comes to my siblings. There's a part of me that wants to know them. Lalo na nang malaman ko ang tungkol sa kalagayan ni Carmella. Hindi ko magawang tignan sa ibang paraan ang pwedeng mangyari.

Hindi naman sigurong masama na pagbigyan ko ang kahilingan ng kapatid kong makita ako kahit pa sa limitadong oras, 'di ba?

Hindi pa elaborated sa akin nang matindi kung ano ang kaso ni Carmella. Pero basing on how Paul explained it to me, may taning na ang buhay ni Carmella.

"Kuya Marcus, let's go inside! We are waiting for you kanina pa!" pagyaya sa akin ni Carmella. Hinatak niya ako papasok ng bahay nila. Tumingin pa muna ako kay Matthew bilang pagpapaalam lalo na't nakakahiya kung bigla-bigla na lang akong papasok sa kanila. Hindi naman siyang umalma at tinanguan lang ako habang nakangiti.

Habang hinahanatak ako ni Carmella, namuo ang concern sa isipan ko dahil mas natititigan ko na siya. Namumutla ang balat niya, nangangayayat, at tila'y pagod ang mga mata.

Pagpasok, binungad ako ng industrial type na bahay nila. Malaki at halatang mayaman ang mga nakatira dito. Kaunti lang rin ang mga gamit nila sa bahay kaya maaliwalas sa mata.

"Ikaw lagi ang hinahanap niyan ni 'Mel," natatawang kwento ni Matteo na kasabay ko maglakad. "Minsan nagseselos na ako. Napapatanong ako, nandito naman ako?"

Natawa ako sa sinabi niya, "Baka naman nagsasawa na sa'yo."

"Posible," natatawang sabi ni Matteo. Ngumiti nang malungkot si Matteo habang nakatingin kay Carmella. Tila'y iniisip nito ang kondisyon ng kapatid nila.

DYOSA (TRANS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon