27

2.8K 152 52
                                    

Marcus

Humipan nang malakas ang hangin na naging dahilan upang liparin ang kulot kong buhok. Agaran namang sinuklay ni Kaiden ang buhok ko gamit ang kanan niyang kamay habang may kinakain na bagong hiwang mansanas sa kabila. Matamis ang ngiting nakaguhit sa mga labi niya habang nakayuko at nakatitig sa akin. Hinawakan ko siya sa baba at tumugon din ng ngiti.

Mula sa pagkakahiga sa hita niya, inangat ko ang aking ulo para nakawan siya ng halik.

Lumawak nang husto ang ngiti niya kaya napakagat ako ng labi. Napakaganda ni Kaiden. Napakasarap niyang mahalin.

Isang buwan na ang nakalipas nang maaksidente ang nanay ni Kaiden. Madalas akong dumalaw sa ospital upang makausap ang papa niya. Nagising na rin ang mama niya at mas maayos na kumpara nitong mga nakaraang araw.

Naging malapit lalo ang loob ko kay Kaiden at masasabi kong ganon din naman siya sa akin. Walang araw na hindi kami magkasama. Kasalukuyang naghahanap ng trabaho si Kaiden. Sinubukan kong bigyan ng suhestyon siya kung saan pwedeng mapasukan ngunit hindi siya ang klase ng tao na humihingi ng tulong sa iba.

At nirerespeto ko 'yon.

Pero may bahagi ng puso ko na gustong mapadali ang paghahanap niya ng trabaho. Hindi naman namin ito pinag-aawayan pero sigurado akong hindi siya komportable sa tuwing sinusubukan kong magbigay ng suhestyon.

Hindi naman niya sinasabi sa akin ang nararamdaman niya kaya naisip ko na lang na marahil dahil ilang taon ding naging mag-isa si Kaiden at sanay na siyang magdesisyon para sa sarili niya.

"Carmella, 'wag masyado takbo nang takbo," pag-alala ni Kaiden kay Carmela. Lumingon naman ako sa gawi ni Carmella na binagalan ang pagtakbo at dumiretso papunta sa pwesto namin.

"Sorry ate Kaiden," nakangiting tugon ni Carmella na umupo sa picnic cloth na inilatag ko sa lapag.

"Okay lang, baka rin kasi maaksidente ka sapakin ako nitong kuya mo," natatawa namang sabi ni Kaiden, tinignan ako ng nakangisi.

"Hindi naman ganon si kuya Marcus," pagdepensa sa akin ni Carmella. Tama. Tumatango kong pag-sang-ayon habang nakangiti.

Nandito kami ngayon sa Luneta at nagpipicnic. Nasubukan ko ring ipagpaalam si Carmella na sumamasa amin ni Kaiden. Parehas na kapatid ko pa lang ang nakakakilala kay Kaiden. Ngayong araw ang unang beses na makilala ni Carmella si Kaiden. Syempre tinanong ko muna si Kaiden kung ayos lang sa kanya 'yon, hindi naman siya nagdalawang isip at sumang-ayon kaagad. Magaan ang loob ni Kaiden kay Carmella kaya natutuwa ako habang pinagmamasdan silang dalawa.

Kasama din namin dapat ngayon si Matteo. Ang kaso may ibang plano ang kapatid ko kaya hindi rin nakasama. Hindi rin naman istrikto sila Tita Rachel sa tuwing sinasama ko si Carmella na kaming dalawa lang dahil nabuo na ang tiwala namin sa isa't isa.

"Anong gusto mo Carmella? Egg and bacon sandwich?" tanong ni Kaiden sa kapatid ko na lumiwanag naman ang mukha nang marinig ang sinabi ni Kaiden.

"Sige ate, nagutom na ako kanina eh," nakangiting tugon ni Carmella. "Kanina I met someone! He was really nice, he kept on talking about his brother not buying him an ice cream," kwento pa niya.

"Really? Bakit naman daw hindi siya binibilhan ng ice cream?" tanong ko. Umayos na ako ng upo upang matignan ko sa mata si Carmella habang nagkekwento.

Ngunit nilagay ko ang kamay ko sa binti ni Kaiden at maharang pinipisil ito. Nang tumingin ako kay Kaiden, hindi naman siya umaalma kaya hinayaan ko lang ang kamay ko doon habang gumagawa siya ng tinapay ni Carmella.

"I think it's about him getting fat but I enjoyed playing with him!" masayang tugon niya sa akin.

"Nasaan na siya?" tanong naman ni Kaiden habang nilalagyan ng itlog yung slice bread ni Carmella.

DYOSA (TRANS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon