5

4.8K 234 35
                                    

Marcus

Tahimik na naglalaro si Marcus ng computer sa loob ng kuwarto niya. Minamanipula niya ang mouse para gumalaw ang karakter niya sa DOTA at tinitipo naman ang keyboard para mapagana ang skills nito. Tutok siya sa nilalaro niya at hindi niya magawang alisin ang paningin dito. Nakapatay siya ng ilang beses kaya napakagat siya ng labi sa tindi ng laban.

"Tang ina!" hiyaw niya nang biglang may lumabas na kalaban mula sa mga puno at inatake siya. "Putang ina pumunta kayo dito!" sigaw niya sa mga kakampi niya sa mikropono ng kanyang headset.

Binalibag niya ang mouse nang hindi parin nagsipuntahan ang mga kakampi niya. Makailang beses magngalit ang kanyang mga ipin at napaigting ng bagang. Nanggigigil siya sa mga kabobohan ng kakampi niya. Bakit ba hindi marunong mag-isip ang mga ito? Ganito ba talaga kapag hindi gumagamit ng utak?

"Pukinang inang kabobohan yan Void! Ba't ka nag-chrono alam mo namang may Luna sa malapit? King ina ka, kapag nalaman ko bahay mo papatayin kita sa personal!" sigaw niya pa dito. Hindi naman siya makarinig ng tugon mula sa kakampi niya kaya mas lalo siyang naiinis.

"Kapag talaga nalaman ko, sasaksakin kita king ina ka! Paggamit lang ng void hirap na hirap ka pa! Bano!"

Ilang minutong sumisigaw si Marcus sa kanyang mikropono ngunit hindi siya nakakatanggap ng tugon. Makaraan ang laro, humupa na ang galit niya. Napayuko siya at napahawak sa kanyang dibdib. Mabigat ang kanyang paghinga at tensyonado ang buong katawan niya. Hindi siya mapalagay dahil madalas mangyari ito sa kanya. Tatlong beses sa isang linggo nang nakaraang buwan pa.

Madalas mangyari ito kapag may maliit na hindi magandang pangyayari sa buhay niya. Katulad ng paglalaro niya ng DOTA. Sumisigaw siya madalas lalo na kung hindi sumusunod sa sinabi niya ang mga kakampi niya.

Natahimik si Marcus nang marinig niya ang tunog ng sasakyan sa labas. Pinatay na niya ang computer at tumingin sa orasan na nakasabit sa puting dingding ng kwarto niya. Limang minuto na lang bago mag alas dose ng tanghali, nakasisigurado siyang tatay niya ang pumasok sa bahay nila.

Lumabas na siya ng kwarto na hawak-hawak ang stuffed toy niya na pating.

Kahit labing limang taong gulang na si Marcus, hinahanap-hanap niya parin ang kalambutan nito. Niyayakap bago matulog, hinahanap pagkagising sa umaga, at tinatabi sa kanya sa tuwing nasa bahay siya. Pakiramdam niya protektado siya nito.

Nang matunton na niya ang dining area nila, naghahanda na ang nanay niya ng tanghalian. Ngumiti sa kanya ito nang makita siya.

"Take a seat, Marcus," yaya ng nanay niya sa kanya.

Umupo si Marcus sa madalas niyang upuan. Napansin niyang napatigil ang nanay niya sa paglalakad at napahawak sa sandalan ng upuan. Umubo ito ng ilang beses at napahawak sa dibdib. Nag-alala naman si Marcus kaya inilapag niya muna ang pating sa tabing upuan niya bago lumapit dito at marahang hinimas ang likuran nito.

"Are you okay, ma?" tanong niya dito, nag-aalala. "Ilang buwan na 'yang ubo mo ah, sabi sa'yo magpacheck-up kana."

"'Wag kana mag-alala pumunta na ako sa Doctor," tugon nito sa kanya. Kinuha ni Marcus ang hawak nitong ulam at siya ang naglapag sa lamesa. Inalalayan niya ang nanay niya umupo.

"Anong sabi?" tanong niya dito. Umupo na rin si Marcus sa upuan niya.

Napapansin ni Marcus ang pag-iiba ng itsura ng nanay niya. Namumulta ito madalas, mukhang nanghihina, nangangayayat, at mukhang hirap huminga. Kahit hindi propesyonal si Marcus tungkol sa mga sakit, pakiramdam niya may nararamdaman itong ayaw lang sabihin kay Marcus.

Narinig na niyang bumukas ang pinto ng bahay nila kaya napatigil sa pagsasalita si Marcus. Naramdaman niyang naging tensyonado ang buong katawan niya at nakaramdam ng takot. Naging paralisado ang buong katawan niya dahil kinakabahan siya. Hindi niya alam kung bakit ngunit ganito ang epekto ng presensya ng tatay niya sa kanya. Parang sumisigaw ang utak niyang tumakbo at umalis sa lugar na iyon.

DYOSA (TRANS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon