13

4.2K 205 46
                                    

Marcus

"Tang ina mo, 'tol, wag ka nga magyosi sa tabi ko," bulyaw ni Marcus kay Bartolome na kanina pa binubuga ang usok malapit kay Marcus. Tinapik ni Marcus sa balikat si Bartolome at marahan itong tinulak palayo sa kanya.

Kahit kailan talaga hindi gusto ni Marcus ang usok ng yosi, kahit kailan hindi niya nakitang humithit ni isang stick nito. Wala lang talaga siyang magawa kapag kasama niya ang mga kaibigan niya na halos sunugin na ang mga baga dahil minu-minuto bagong stick ang nasa pagitan ng mga daliri, hinihithit sabay ibubuga ang usok kung saan-saan na walang pakialam kung sino ang makakalanghap.

Hindi niya ito gusto lalo na't nagkasakit ang nanay niya dahil sa kayoyosi. Isa na rin sigurong dahilan kung bakit hanggang ngayon, tumutungo parin ang nanay niya sa hospital upang magkaroon ng regular check-ups.

Napipikon si Marcus dahil napagkakamalan siyang madalas na nagyoyosi dahil na nga rin ang mga tao sa paligid niya mahilig magyosi. Ano bang napapala ng mga ito sa yosi?

Nakatayo sila sa labas ng bahay ni Alex. Hindi na sila pumasok sa loob dahil sinabihan sila ni Alex na maghintay na lang silang dalawa ni Bartolome sa labas.

"Napaka-arte mo naman 'tol," ika ni Bartolome bago huling hithit sa paupos nang sigarilyo sabay tapon sa paanan nito at tinapakan. Ibinuga ni Bartolome palayo kay Marcus ang usok ngunit sumayad parin sa ilong ni Marcus ito. Nakaramdam ng kiliti si Marcus sa lalamunan dahilan upang siya ay maubo.

"Paanong hindi aarte, ako yata magkakasakit sa inyo," tugon niya kay Bartolome habang umuubo.

Hinimas ni Bartolome ang likod niya, "Hinihika kana."

"Hindi mo sinabi, 'tol," sarkastikong tugon ni Marcus, nakatingin ng masama sa kaibigan niya.

"Mga 'tol!" tawag sa kanila ni Alex na nagmula sa loob ng bahay. Ngayon na lamang muli nila nakita si Alex makaraan ang limang buwan dahil hindi na sila nagkakaparehas ng mga schedule at busy rin sila sa sari-sariling mga gawain sa kolehiyo. Hindi rin kasi nila kasama sa isang unibersidad si Alex at madalas sa chat at text na lamang sila nagkakamustahan.

"Oh, 'tol!" tawag ni Bartolome dito, lumapit sila kay Alex sabay nakipagkamayan at kinulong sa yakap.

"Iisang subdivision na nga lang tayo 'di pa kayo nagpapakita sa akin," patampong sabi pa ni Alex sa kanila.

"Sensya kana 'tol, alam mo naman pagod naming mula sa training. Halos bola na nga lang amdalas naming makasalamuha, e," paliwanag ni Marcus dito.

"Naiintindihan ko naman 'tol," natatawang tugon nito. Ininspeksyon pa ni Alex ang katawan nil ani Bartolome. "Puta, anong sikreto ninyo? Lumaki mga katawan ninyo ah? Lalo kana Marcus, ano na height mo ngayon?"

"Six-one na ako 'tol, hindi yata ako titigil sa pagtangkad," natatawang kwento pa ni Marcus dito.

"Walang ya," hindi makapaniwalang ika ni Alex. "Itong si Tolome naging bato katawan ah, ano ba training ninyo?"

"Dalawang beses kami nagte-training nung sem break, 'tol. Basketball sa umaga, gym sa hapon," paliwanag ni Bartolome na umakbay kay Alex.

Nagsimula na silang maglakad patungo sa sasakyan ni Alex na nakaparada sa harapan ng bahay nito na bakanteng lote. Pinindot na nito ang remote ng sasakyan na tumunog naman at bumukas ang lock ng mga pinto.

"Sabi sa'yo, 'tol maki-training ka sa amin, e. Okay lang naman sa coach namin," saad ni Marcus habang pumapasok sa sasakyan.

"O'nga, ano ba pinagkaabalahan mo nitong sembreak? Wala kaming balita, a," puna ni Bartolome habang pumapasok sa passenger seat ng sasakyan at isinusuot nag seatbelt.

DYOSA (TRANS)Where stories live. Discover now