A time to remember

26.8K 794 31
                                    

A time to remember

"hi! Ano'ng pangalan mo?" tanong ng 8 years old na si Jason sa bagong batang kaclase nila.

"hello? Pipi ka ba?" tanong ni matabang Kurt, "gusto mo ng lollypop?"

Umiling lang ang 7 years old na si Bryce sa kanila, ngayon ang unang araw niyang pumasok sa school.

Homeschooled kasi siya, kung hindi lang ipinilit ng mom niya kay dad niya na sa isang school siya mag aaral, baka hanggang ngayon, sa bahay padin siya nag aaral.

"I think he's deft or something" sabi ni Jason.

"nah, he heard me. I think he can't speak"

"I can speak" sagot ni Bryce at nagulat pa yung dalawa. Bumaba sila mula sa monkey bars at nilapitan pa si Bryce na nasa ibaba at naglalaro ng sand.

"naman pala eh, bakit ang tahitahimik mo? Ako si Jason Villanueva at ito si Kurt Ramirez."

"I'm Bryce, Bryce Cooper" sagot ni Bryce na nakataas na ang noo niya. Sabi ng Dad niya, kailangang proud siya kapag ipinapakilala ang sarilli niya.

"ah!" sigaw ni Kurt, "ikaw yung anak ni tito Bennie! Oo nga naaalala ko na, nakita kita nun sa party ni tito Jayme"

"hoy! Layuan niyo siya!" sigaw ng isang batang babaeng palapit sa kanila, nakasuot siya ng red na dress at may red ribbon pa siya sa ulo, pati sapatos niya kulay red din.

"nakakainis talaga, bakit ba lagi kang nasa classroom namin?" tanong ni Jason sa batang babae.

"that's because I'm your classmate, stupid" sagot niya saka itinulak si Kurt para makalapit siya kay Bryce, "Hi Bryce! Bakit hindi mo ako hinintay? Di ba sabi ko hintayin mo ako para sabay na tayong lumabas at maglaro?"

"Sorry Renee" sabi ni Bryce.

"mm" sabi ni Renee at ngumiwi siya, "since first day mo ngayon, I'll forgive you. Are these two monkeys bothering you?"

Nagtinginan sina Kurt at Jason saka tumingin uli sila kina Bryce.

"isa lang ang monkey samin, pig ako eh" sabi ni Kurt at sinuntok siya ni Jason sa braso niya sabay tawa.

"mabuti naman at alam mong pig ka, don't ever bother my Bryce or else, I will kill you both!"

"alright! Alright!" sabi ni Jason habang nakataas ang mga kamay at nag step backwards.

"nakikipagkilala lang sila" sabi ni Bryce kay Renee the he offered his hand to the two boys, "can we be friends?" tanong niya. Ngumiti yung dalawa saka tinanggap yung kamay ni Bryce.

--

7 years later

"sumuko na kayo" sabi ni Jason sa isang lalake habang nakatutok ang baril niya sa kanya.

"bakit naman kami susuko?" sabi nung lalaki.

"dahil pasasabugin ko yang ulo mo pag hindi ka sumuko" sabi ni Bryce at nasa likod niya lang sina Kurt at ibang mga gang members nila.

"baka hindi niyo nakikitang napapaligiran namin kayo?" Tanong nung lalake at pinaglaruan ang baril niya.

"maliit lang ang lugar na ito para sa ating dalawa" sabi ni Bryce, "so better back the f*ck off. This city belongs to me."

"I rule this city, bagong gang lang kayo dito kaya kayo dapat ang mag back off"

"Boss Tan, may tawag ka" sabi ng bata ni Nathaniel at kinuha agad niya yung phone mula sa kanya saka sinagot,letting his guard down.

Me and My Boys VOLUME 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon