Chapter 32

14.4K 585 65
                                    

Allexa's POV

Huminga ako ng malalim at naghandang tumakbo. Kaya ko to! Madali lang. Wait, stretch muna--

"Antagal!" Reklamo ni Kalbo na nakabend.

"And baba lang hindi mo pa matalon?" Tanong ni Etong.

"Tatalon na!" Sabi ko and I run tapos tumalon ako at nagpasan ko yung likod ni Kalbo ang I landed safely, "yuhoo!" Masayang sigaw ko habang tumatalon.

Naglalaro kasi kami ng Luksong Baka, kahapon Tumba Preso ang nilaro namin sa classroom, tapos mamaya, Mataya Taya naman daw.

Mula kasi nung sinabi kong hindi ko alam ang mga palarong pambata dito sa Philippines, ginawa na nilang mission yung laruin namin lahat, marami bang panlarong pambata? Hindi naman sa nagrereklamo ako, excited lang ako, haha

"Ate!!" Sigaw ni Allen na tumatakbo palapit samin galinh sa bahay.

"Oh bakit!?" Tanong ko, he looked terrified kasi.

Huminto siya sa harap ko at nagbend at humawak sa knees niya habang humihingal, tapos umayos siya ng tayo pero hinihingal padin.

"Ate sina kuya Jason at kuya Tan kasi! Hiniwa nila yung pineapple!"

"Wow that's great! Edi may meryenda na tayo!" Masayang sabi ko.

"Pero ate! Sabi ni kuya Tan, ayaw daw kasi lumabas ni Spongebob sa pineapple kaya hiniwa niya!"

I slapped my forehead. I can already imagine him searching the whole pineapple for Spongebob.

"Edi nahanap niya?" Tanong ko and we started walking to the house, "prepare lang kami ng meryenda!" Sigaw ko sa mga boys na naglalaro padin and they waved good bye.

"Hindi po, talagang hindi niya mahahanap si Spongebob dun" yes! Mabuti pa si Allen, may common sense, wala, talo na naman si Nathaniel.

"That's right-"

"Syempre nasa Crusty Crabs po siya, working time na po niya eh" dagdag niya.

I slapped my forehead again. Binabawi ko na yung sinabi ko.

"What's wrong ate?" Tanong niya at nginitian ko lang siya sabay iling. Hindi bale't bata pa siya, he will learn more.

"Ooooh! Who lives in pineapple under the sea!~" dinig kong kanta ni Nathaniel nung nasa doorway na kami ng kitchen.

"Spongebob Squarepants!" Sagot namin ni Allen as we walked inside.

"Oi Lexa! Ano kaya kung mage extract tayo ng juice from potatoes?" Tanong ni Nathaniel havang nilalaro yung patatas.

"Huh?" Tanong ko.

"Edi subukan mong pispisin yang hawak mo" sabi ni Jason. Nakapolkadots apron siya ngayon, regalo ni Mary Jane sa kanya last Christmas.

"Sige ba!" Sabi ni Nathaniel at hinawakan sa dalawang kamay yung potato at pinisil with all his might na halos lumabas na yung mga ugat sa leeg niya.

"Don't look at him Allen, ayaw kong maimpluwensyahan ka sa pag iisip niya" sabi ko, but too late, nakahawak na siya ng patatas.

"I'm so sorry Mr. Potato but I have to get juice from you" paalam niya sa patatas saka pinisil din, napapikit pa siya sa sobrang pagpipisil.

"Ugh, idiots" reklamo ni Bryce na kakapasok at nakahawak ng tongs, puno ng uling yung mga kamay niya at meron pa sa noo niya. He went to the fridge and got a glass of water.

"May uling ka sa noo" sabi ko at tumingin siya sakin with his cheeks puffed, full of water.

He's soooo cute!

Me and My Boys VOLUME 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon