Chapter 27

15.1K 510 54
                                    

Allexa's  POV

"Okay na yan" I said.

"Shh! Huwag kang maingay!" Whispered Jason.

"Kkkk" tawa namin nina Allen at Nathaniel.

"Hoy, tigilan niyo nga yan" sabi ni Kurt at tumigil kami ni Jason sa pagdodrawing sa muka ni Kate. Napakatempting kasi kanina nung naiwan nung nurse yung dalawang marker sa kama ni Kate, nag unaan pa kaming kumuha nun so nagtake turns nalang kami.

It's been 4 hours nung dinala namin siya dito sa hospital, sabi nung doctor wala naman daw fracture si Kate, dala lang daw ng shock kaya siya nawalan ng malay.

Panda eyes, pirate's eyepatch at dots lang naman ang inilagay namin sa muka niya kaya I think okay lang yun.

"Ano'ng okay? Permanent marker kaya yang ginamit niyo" sabi ni Kurt at napatingin kami sa marker na hawak ni Jason. It really says 'permanent', kaya tumawa uli kami ng mahina saka pinicturan si Kate, you'll never know when these pictures will come in handy.

I know na that's bad pero we just can't help it. And besides, it's fun! Haha

Then Bryce came in with our coffees. Hinihintay kasi naming may dumating na magbabantay kay Kate, we informed her family already and we were surprised nung sabi lang ni mother niya na 'okay'. That was 4 hours ago. Hanggang ngayon wala pa ding dumarating kaya napilitan kaming magstay nalang muna dito.

"My turn! My turn!" Masayang sabi ni Allen and Jason gladly gave the marker to the kid who climbed on the bed and started to draw something on Kate's eyebrows.

"Wala pa bang dumarating? Kakabagot na eh" reklamo ni Nathaniel na umupo sa paanan ng kama ni Kate at nagsip ng coffee while me and Bryce sat on the long bench beside Kate's bed.

"Waahh!" Sigaw bigla ni Allen at nahulog siya mula sa bed saka daling tumayo at itinuro si Kate, "she's awake!"

"Pfft! oww!" Reklamo ni Nathaniel, napaso ata ang dila sa gulat.

Inilapag namin yung mga coffees sa side table at lumapit sa kama ni Kate habang si Jason naman, lumabas para magtawag ng nurse.

"Kate? Nadidinig mo ba ako?" tanong ko and she slowly opened her eyes.

She's confused nung una, tapos tumingin siya aming lahat, tapos nanlaki ang mga mata niya't mabilis na bumangon.

"ops, hinay hinay lang" sabi ni Nathaniel at ginamit yung hintuturo niya para itulak ang noo ni Kate para humiga uli siya, as if nandidiri pa siya.

"where am I?! may..may humabol sa akin! They..they.. ohmygod!" hysterical na sabi niya saka tinakpan yung muka niya sa mga palad niya.

"bakit ka ba kasi naglalakad mag isa? Tapos ganyan pa ang suot mo" sabi ni Kurt.

"Eh kasi..tapos ano..uhhhg" sabi niya habang nakapikit na nakahawak yung dalawang kamay niya sa ulo niya.

Nagtinginan kaming anim at hinintay naming huminahon si Kate. Lumapit ako sa kama niya at umupo sa tabi niya, kahit awkward, I tried to rub her back.

"Okay lang yan, mag ingat ka nalang next time" sabi ko.

"And!" Siksik ni Nathaniel, "huwag kang gumalang mag isa, lalo na pag napakaiksi ng mga suot mo" tapos humagikgik sila nina Jason at Allen, ako din sana pero pinigilan ko, naman kasi! Yung muka ni Kate na puro mga drawings! Urrrgh! Ang sasama namin!

At dito ko napatunayang hindi lahat ng lalake, katawan ang habol sa babae. I mean, yeah I know sometimes my friends are jerks and everything pero hindi sila perverts and I am sooo glad because of that.

Me and My Boys VOLUME 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon