Chapter 29

14.9K 500 72
                                    

Allexa's POV

"Anak ng-!! Sino'ng nagtali sa bag ko!!?" sigaw ni Adong nung natapos na ang pang umagang classes namin.

Tinawanan ko siya nung napansin kong nakatali yung handle ng bag niya sa upuan, haha kawawa. Then I stopped laughing nung napansin kong pati pala yung straps ng bag ko, nakatali rin.

"Naman eh! Sino'ng nagtali ng bag ko!?" Pasigaw na tanong ko and I heard snorts from Jason and Nathaniel, "ughh!! Kayo na naman!"

Then biglang niyakap ni Allen yung floor, "oww" reklamo niya't pinagtawanan siya, nakatali kasi pala yung mga shoe laces niya so he tripped when he tried to come to me.

Sa pagkaboring siguro nung huling subject namin kaya nagawa nilang magpranks nalang.

Tapos nagkagulo na sa classroom dahil may mga naghabulan at nagbugbugan dahil lang sa mga pranks, bakit umuuso ang pranks?

Tinanggal  ko yung nakataling handle ng bag ko habang nagma-mumble ng incoherent words then I grabbed Bryce's hand at nauna na kaming lumabas. Nagtatanggal padin kasi si Allen ng nakataling shoe laces niya habang nakikirambol yung tatlo sa mga classmates naming nagsuper saiyan mode. Meron dinkasing nawawalang pares ng mga sapatos nila.

Style nung iba yun, yung nagtatanggal ng sapatos, kaya minsan kakaiba ang amoy sa classroom at idinadaan ko nalang sa air freshener. Doon kasi sila comfortable kaya hinayaan nalang namin sila, bawal naman kasi ang flipflops.

Kate is leaning on the wall beside the entrance of the cafeteria when we got there. May hawak siyang paper bag at busy na nagtetext, pansin kong wala na yung mga drawings sa muka niya, mabuti naman.

Nung napansin niyang palapit kami ni Bryce, umayos siya ng tayo at hinarap kami.

"Kami ba ang hinihintay mo?" Tanong ko with a surprised look.

Hindi siya sumagot, iniabot niya lang yung paperbag saka tumalikod at pumasok sa cafeteria nung inabot ko yung bag. Yung hoodie ko pala.

"Oh look, it has a letter inside" sabi ko at binuksan ko yung maliit na papel.

"What does it say?" Tanong ni Bryce.

"It says, 'salamat, pakisabi din sa mga kaibigan mo'" I read outloud.

"Aww! Kanino nanggaling yan?" Biglang tanong ni Nathaniel mula sa balikat ko at biglang nagdisappear yung letter sa kamay ko.

"It's from..Kate" sabi ni Jason na nakahawak sa papel,  "sino na uli ang Kate?" Tanong niya, "ahh, nevermind" then he threw the paper over his shoulder na thankfully, pinulot ni Kurt at itinago.

"Pasok na! Balita ko may bago daw na dish ngayon si Aling A-ling" sabi ni Etong na may maliit na sugat sa left na kilay niya, napasobra na naman sila sa biro.

Aling A-ling is the cook in our school. Matanda siyang babae na hindi marunong ngumiti kaya favorite target siya ng mga kaibigan ko, lalo na sina Nathaniel at Allen na ginawang mission yung mapangiti si Aling A-ling every time na kukuha sila ng food, which is good you know, the woman really needs to smile often.

Dumeretsyo yung ibang boys sa may counter para mangolekta ng food while me and the others went straight to our table.

"Hi!" Bati ni Solar na nasa entrance palang ng cafeteria kaya napatingin lahat ng tao sa kaniya pero sa amin siya nakatingin, dumeretsyo siya sa table namin kasunod sina Lunar at Hellxaria.

"Hi!" Masayang bati ko and they sat across me and Bryce.

Sometimes, hindi sila nakikiupo sa amin, lalo na't napapadalas ang bangayan nina Solar at Kalbo na halos napatayo noon si Bryce sa galit at sinabihan yung dalawang tumayo sa corner ng cafeteria at magreflect sa ginawa nila, they did, it was a funny scene actually. Imagine Solar and Kalbo walking going to the corner of te cafeteria while mumbling tapos umupo silang parang mga bata sa gilid ng hindi nagpapansinan hanggang sa natapos ang lunchtime? Haha

Me and My Boys VOLUME 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon