Chapter 37

13.8K 452 36
                                    

A/n: Please please please read my note on the bottom of this chapter, thanks!
--------------•---------------•--------------

Nathaniel's POV

'Tan! Tama na!' Dinig kong sigaw ni Kalbo pero patuloy ko pading sinusuntok si Yato. Napapikit ako saglit dahil napunta sa muka ko ang dugo niya. Lalo pa akong naexcite, hinawakan ko siya sa kwelyo at pinaupo. Hindi na niya mabuksan ang mga mata niyang nagmumugto. Ngumiti ako.

Kill him! Said the devil inside me.

"Yun lang ba ang kaya mong gawin?" Tanong ni Yato, lumalabas ang dugo mula sa bibig niyang basag.

Lumapad pa lalo ang ngiti ko at inabot ko yung baril sa likod ko at itinapat sa pagitan ng mata niya.

"Tan, huwag" sabi ni Pekto pero parang bulong lang ang nadidinig ko.

"Sige na Tan, tapusin mo na ako. Para ikaw na ang susunod na Alpha" sabi niya.

"Tan huwag!"

Nagising ako bigla at pinagpapawisan ng sobra kahit malamig sa kwarto, bakit anlamig? Tumingin ako sa makulay na pader ng kwarto namin ni Jason, saka tumingin ako sa kanya. Mukang nagising ko siya dahil tumingin siya sakin ng konti.

Umupo ako.

"Nightmares?" Tanong niya habang nakapikit.

"Hindi, naiihi lang ako" sabi ko saka ako tumayo at pumunta sa banyo.

Bumabalik na naman ang mga masasamang panaginip ko.

Naghilamos ako saka lumabas at kumuha ng jacket, magjajogging nalang ako. Dahan dahan akong lumabas sa kwarto, nung matapat ako sa kwarto ni Lexa, dahan dahan kong binuksan at sumilip sa kwarto niya. Mahimbing silang natutulog ni Bryce kaya isinara ko uli at bumaba saka lumabas ng bahay.

Madilim pa sa labas, at malamig. Ang totoo niyan, napakalamig ngayon na nagdalawang isip pa ako kung magtutuloy ako o hindi. I took one step at a time. Hanggang sa tumatakbo na ako.

Yato.

Tumigil ako saka napahawak sa mga tuhod ko at hinabol ang hinga ko. Hindi ko alam kung gaano na kalayo ang tinakbo ko. Tumayo ako ng husto at tumingin sa paligid ko.

East General Hospital.

Bakit dito ako dinala ng mga paa ko? Gusto kong tumalikod pero parang may sariling isip ang mga paa ko.

Pumasok ako sa hospital at hinanap ang private room number 404. Sumandal ako sa pader malapit sa pintuan ng rm404, dinig mula sa labas ang pag'beep ng life machine sa loob at ang pagtulak ng oxygen sa katawan ng kung sino mang gumagamit nun. Tumingin ako sa kisame.

Hindi ko kayang pumasok.

Ika anim na araw na mula nung nalaman kong itrinansfer nila si Yato dito. Akala ko sa West na siya, pero bumalik ang pamilya niya dito at dinala siya.

6 nights.

It's been 6 nights since I am having nightmares. At sa tingin ko, ilang gabi pa akong magigising ng pawisan. Itinulak ko ang katawan ko mula sa pader at lumayo sa rm 404. Siguro, kung nag isip lang ako noon, siguro kung hindi ko siya hinamon, siguro kung hindi ako nawalan ng control, baka gagraduate na siya ngayong taon sa college tulad ng pinapangarap niya.

'Gusto kong lumaya'

Naalala kong sabi niya.

'Tulungan mo ako Tan, gusto kong makalaya dito'

Me and My Boys VOLUME 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon