Chapter 2: Sections

18.8K 650 57
                                    

Pumunta kaming lahat sa harap ng Registrar's Office para kunin ang mga cards namin. We need those cards para malaman kung saang class kami. Mary Jane, Crystal, Solar and I went inside the office while the boys played outside. What? boys are boys, playful talaga sila.

"congratulations. Forth years na kayo." the woman in the Registrar sarcastically said at tumingin siya kay Solar, "ang welcome to East high" nagtinginan lang kami nung mga girls at nagkibit balikat. This is my 2nd time to meet the woman; first time was when I took my card last week.

If you are wondering where Liezyl is, nasa Paris pa siya with their parents, andoon din sana si Nathaniel pero mas pinili niyang magspent ng summer with us.

Ashley is with her mother at hindi pa kami sure kung kalian siya makakabalik while Vanilla and Eren went back to Japan. Yeah, too sad, pero kailangan kasing bumalik si Vanilla sa mundo ng showbiz at ayaw naman ni Eren na mag isa lang si Vanilla doon kaya sumama siya.

Kinuha ko lahat ng cards ng mga boys pero hindi ko pa tinitignan kung ano ang Class namin. Gusto ko sana sabay sabay kami.

"I'm in Class 4A" sabi ni Mary Jane habang palabas kami sa office.

"hala? Ba't pati ako?" tanong ni Crystal na hindi makapaniwala sa nasa card niya, "mali ata tong card ko ah" she said, oh! Kasi clas 3C siya dati, wow!

"will you look at that? We're all in the same class" sabi ni Solar with her usual boring tone tapos tiniklop at ibinulsa yung paper, I know she doesn't care which class would she be in.

"eh kayo?" tanong ni Mary Jane at saktong nasa labas na kami then lumapit yung mga boys, isa isa kong ibinigay sa kanila yung mga cards and they all looked at it and they chuckled, pwera kay Bryce na hindi man lang binuksan yung kanya.

"saang class kayo?" tanong ni Mary Jane sa mga boys.

"si Lexa muna" sabi ni Rod at tumingin silang lahat sa akin at bigla akong kinabahan.

"open your card" utos ni Bryce at nagulat pa ako, yeah I know, I am being overdramatic about this.

"I'm in class.." sabi ko at dahan dahan kong binuksan yung card ko, "4....F?" tanong ko.

"ha? Wala namang class 4F ah, actually 3F lang ang nagiisang class F dito sa school" sabi ni Crystal.

"oo nga, ba't nagkaron ng 4F?" tanong ko habang nagkakamot ng batok, then it hit me, mukang pati sina Mary Jane kaya sabay sabay kaming nameywang at tumingin sa mga boys na sabay sabay ngumiti ng painosente.

"you did it, didn't you?" tanong ko at lalo pang lumapad ang mga ngiti nila.

"hey, kayo din ba ang naglagay sa akin sa 4A?" tanong ni Crystal.

"di ah, wala kaming kinalaman dyan" sagot agad ni Elias and he looks like he means it.

"you're a smart girl, nararapat ka lang sa 4A" sabi ni Mary Jane at inkbayan niya si Crystal na ngumiwi lang.

"this is lame, I wanna be with the same class as you" sabi ni Solar na nakaupo na sa sahig, Indian style.

"tumayo ka nga dyan, ang tamad mo talaga." Sabi ko but she just rolled her eyes.

"hindi ka pwede sa 4F, solid 3F lang ang dapat andoon" sabi ni Kalbo.

"whatever" sagot lang ni Solar at tumingin sa akin si Kalbo na parang nagpapaalam na upakan niya si Solar.

"chill, babae yan" utos ko sa kanya.

"huh? Talaga? Babae yan?" tanong niya at mukang nagulat din yung iba, pati si Bryce kumunot din ang noo niya habang nakatingin kay Solar.

Me and My Boys VOLUME 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon