Chapter 12: Cardshot Game

11.9K 500 66
                                    

Nathaniel's POV

Dinala ko si Crystal sa fire exit, dun kasi ang malapit na puntahan na walang iistorbo.

"Ano'ng meron?" Tanong ni Crystal na sumandal sa pader at hawak hawak ang dibdib habang humihingal, bakit nga ba kami tumakbo?

"Wala, gusto ko lang ipakita sayo na may fire exit dito sa building, para lam mo na, kung sakaling may sunog eh alam mo kung san mo itutulak si Kyle" sagot ko sabay ngiti.

"Ewan ko sayo" sabi lang niya at bubuksan sana uli niya yung door pero pinigilan ko agad siya.

"Joke lang, dito ka lang, ito naman" sabi ko and she rolled her eyes tapos sumandal uli sa pader. Ako naman, sa opposite niya.

Paano ko ba ito sisimulan? Eto na naman kasi ako sa mga padalos dalos na galaw ko, kasalanan ni Lexa ito eh.

"Aalis ka?" Tanong niya at napatingin ako sa kanya, how does she know?

"Uhh, oo eh" sagot ko sabay kamot sa batok ko. Mabuti nalang siya ang nagsimulang nagsalita.

"I see, kelan?"

"Mamayang gabi, hindi ako makaangal sa parents ko eh. Pwedeng humingi ng favor?"

She shrugged her shoulders and said, "sure, anything" this time, she is looking at me with that innocent smile.

"Si Lexa, ikaw na muna ang bahala sa kanya, alam mo naman yun, masyadong emotional, hehe"

She smiled a little at tumango siya, then she looked away.

"Kelan ang balik mo?" Tanong niya.

"Hindi ko pa alam eh" sagot ko, then I thought of something, "halika, magpicture tayo" sabi ko at hinila ko siya sa tabi ko and I brought my phone up.

Kinuha niya yung phone ko at itinaas, "ako na" she said and we both looked at my phone and she clicked it.

Sa wakas! Meron na siyang letrato sa akin!

"Hehe puro muka nina Allen at Lexa ang andito" sabi niya habang tinitignan yung album ko. Paano naman hindi mapupuno ng mula nung dalawa yung album ko eh kung makapagselfie sila, akala mo 1,000gb ang memory ng phone ko.

"Ba't wala ka palang facebook?" Tanong ko at tumingin siya sakin, ngumiti siya at ibinalik yung phone ko.

"Meron, kaso di ko na ginagamit" she replied saka sumandal uli siya sa pader, "mamimiss mo ba ako?" Tanong niya at bigla akong nataranta.

"O-oo naman" paano ba sumagot ng maayos? Pambihirang buhay to oo!

"Importante ba ako sa buhay mo?" Tanong niya.

"Gagu ka ba? Magpapaalam ba ako sayo kung hindi ka importante sa buhay ko?" Sagot ko.

Yumuko siya.

Anak ng-! Mali ata ang pagkakasabi ko! Pano ba to!? Pano ba to!? Ito yung mga pagkakataon na kailangan ko ang words of advice ni Lexa!

"Mamimiss din kita" bulong niya pero nadinig ko, dinig na dinig ko, klarong klaro sa pandinig ko yung sinabi niya.

"T-talaga?" Tanong ko at nilapitan ko siya, nakayuko padin siya at parang nahihiya na sakin, "huy" I poked her cheeks, "titingin na siya sakin" I joked.

Me and My Boys VOLUME 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon