Chapter 19: Lexa Must Go

13.7K 504 83
                                    

Jason's POV

"Tulog na ba?" Tanong ko nung nakababa si Bryce mula sa hagdan.

"Oo" sagot niya saka tumayo malapit sa fireplace at sumandal doon.

"Paano na? Hindi na ito maliit na biro" sabi ni Nathaniel.

Lahat kaming magkakaibigan, nasa ibaba. Nagsidatingan yung iba nung umakyat na sina Bryce at Allexa. Hindi namin siya gustong sumali sa paguusapan namin kaya pinatulog siya ni Bryce.

"Kung sino man yung nanggugulo, it's either gusto niyang mapahamak si Lexa, o tayo" sabi ni Kurt.

"Yung isang account niyo lang ang napasok, maliit na bagay. Triniple ko na ang security sa apat pa na account" sabi ni Rod, nakaupo sila sa carpet with their laptops. Mabuti nalang hindi malaki yung damage sa laptop niya, at mabuti nalang automatic na nagshutdown yun kasi kung hindi, pati yung mga sensitive file ng gang, nakuha na.

Wala na ding silbi yung cellphone nung si Ana, nagself distruct nung nagshutdown yung laptop. Kung sino man ang may pakana nun, malaki  at marami siyang alam tungkol sa mga hacking devices, in short, they are dangerous.

"Tumawag na ba si tito Benny?" Tanong ni Kurt kay Bryce.

"Oo, nagawan na niya ng paraan." He answered.

"Kailangan na nating kumilos" sabi ko, "may plano ako, pero kailangan ko ang full participation mo Bryce"

"I'm listening" sabi niya at umayos ng tayo.

Nung nasiguro kong nakikinig sila lahat saka ako nagsalita.

"Lexa must go"

--

Allexa's POV

When I woke up, nagtaka ako, bakit walang amoy food? Usually yun ang gumigising sakin eh, baka tulog pa si Jason. I went straight to the bathroom and took a shower, mabilis akong nag-ayos, took my bag and went downstairs.

"Ba't antahimik?" Tanong ko sa sarili ko, parang wala ding tao sa kitchen. Umakyat uli ako and I checked all the rooms, nada. They are all gone!

I took out my phone and opened our tracking app.

"What?" Sambit ko, they are all in school!? "Aba! Iniwan ba naman ako!?" Tanong ko at nagmadali akong kumuha ng bread sa frige saka tumakbo ako hanggang sa school.

Malilintikan yung mga yun sakin!

Pagdating ko sa classroom, wala man lang tumingin sakin. Andoon sa dating pwesto din sina Nathaniel at busy silang nagkekwentuhan ni Jason, si Kurt naman busy sa phone niya while Bryce is standing by the window and looking outside.

"Good morning!" Bati ko pero tumingin lang sila sakin, then they went back to their businesses, "wow, someone's grumpy today, hoy!" Sigaw ko at nilapitan ko yung apat, "bat di niyo ako ginising!? Grabe kayo!" Reklamo ko, pero parang wala lang sa kanila, they just looked at me like I'm just a normal person, I mean ok nga't normal ako, pero yung parang common lang akong tao.

Owwwwkey, this is not good.

"Ano'ng...problema?" Tanong ko, bigla akong kinabahan nung nagtinginan sila tapos they looked back at me with confused looks on their faces.

"Ba't andito ka?" Tanong ni Jason at nagflich ako sa coldness ng boses niya, why is he using that tone on me!?

"Ano'ng ibig mong sabihin?" Tanong ko, trying to be cool.

"Inilipat ka namin sa class 4A ah" sabi ni Nathaniel at lumaki ang mga mata ko sa gulat.

"B-bakit niyo naman ginawa yun!?" Tanong ko, hindi na even yung paghinga ko kasi pinipigilan kong huwag umiyak, why are they doing this to me!?

Me and My Boys VOLUME 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon