Chapter 21: The Forest

14K 447 56
                                    

Allexa's POV

I spotted her near the library at nagtama ang mga mata namin. I knew her, I saw her somewhere pero hindi ko na maalala, but I saw her first in the cafeteria. As I stepped forward, students swarmed out habang nagchicheer.

I almost forgot, ngayong araw nga pala ang campaigne ng mga tatakbong School Buddy Officers. Kyle is indeed, going to run as a president uli, at kalaban niya si Adam from class 4B.

Sinubukan kong iwasan yung mga nakakasalubong ko habang palapit sa babaeng nasa tapat ng library, pero wala na siya doon.

Lumapit ako sa pintuan ng library and I touched the door knob, I was about to open it nung nadinig kong tinawag ako ni Crystal from a distance. I saw her right away and she came to me.

"Hi! San ka galing?" Tanong ko, I am actually glad to see her happy face, something about it made me happy inside too, parang nahawa ako sa saya niya. whatever or whoever made her happy is a blessing.

"Ah, sa ano, sa fire exit." Sagot niya saka tumingin sa tapat naming room, "papasok ka?" Tanong niya.

"May titignan lang sana ako. Pero hayaan mo na, asan sina Mary Jane?"

"Nasa classroom pa, nagpepep talk ata kay Kyle"

"Si Hellxaria?"

"Andyan lang yun sa tabi tabi, ano? Papasok ka pa ba?"

"Hindi na nga, tara nalang sa room niyo--I mean,.natin" sabi ko and I tried to smile.

"Tama nga siya, di mo kayang magpanggap" she murmured, or iba lang ang pagkadinig ko?

"Ano?" Tanong ko.

"Wala, tara na't marami pa tayong gagawin. Andaming nangyari ngayong araw kaya sigurado akong magiging mahaba to" sabi niya sabay akbay sa akin and we started walking hanggang sa room nila--namin.

Nadatnan namin sina Mary Jane at Kyle na naguusap sa may tabi ng bintana, wala ng masyadong tao sa classroom nila.

Nalungkot ako, hindi dahil namimiss ko ang dating room ko, I do miss it, pero nalulungkot ako dahil I can't see unity in this room. Like they have their own businesses, wala silang pakealam sa iba. They don't support each other.

"Di pa kayo tapos?" Tanong ni Crystal sa dalawa, tumigil sila sa pagsasalita at tumngin sa amin saka ngumiti.

"Oo tapos na, nagkekwentuhan lang kami" sabi ni Kyle at tumingin siya sakin, and I saw something in his eyes, pity? Pero kun ano man yun, it disappeared the moment I saw it, "kumusta ang unang araw mo ngayon dito sa class namin?" He asked.

"Mm, not bad" sagot ko, "pero gusto ko pading bumalik sa dating class ko"

"I understand, don't worry, magiging maayos din ang lahat" he said and I forced a smile. Does he know what's happening to me and my friends? "Sige maiwan ko muna kayo, May meeting pa kami in 10 minutes."

"Bye" "good luck" "sige" sabay naming sabi, as soon as he got out of the room, pumasok naman si Hellxaria.

"Kumusta? May nahanap na ba kayong information?" Tanong niya saka umupo sa table ni Crystal.

"Wala pa" sagot ni Crystal, "sinubukan kong sinundan kanina si Ana, wala naman siyang ibang ginawa kundi yung magbasa sa makapal na book niya"

"How about the photographer?" Tanong ni Hellxaria.

"Si Carlisle? Mukang mabait naman yun" said Crystal.

"Mukang mabait din naman si Ana ah" sabi ni Mary Jane, "they are both suspects, pero there is someone above them"

Me and My Boys VOLUME 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon