Chapter 11: Hackers Everywhere!

13.1K 525 85
                                    

Guys, please read my note on the last part, thank you! ^__^v

Allexa's POV

8pm na nung dumating sina Rod at Elias na nakapajamas and they have their bags on their back, sinuggest ko kasi na dito na muna sila sa bahay matulog.

We are currently looking, more like hacking, on the Villanueva's account. Looking at some loops and anything we can use to track down who's behind the 'hacking' and 'stealing' and lahat na. kahit ano nang pwedeng matignan. Pero we failed. We didn't see anything.

"they're good" muttered Bryce while looking at his monitor, I can't help but stare at him.

He is wearing a black sando and taekwondo pants; his hair is slightly wet from his quick shower, and what made him sexier is his glasses. Yeah, he is wearing one right now, dayumm! I think I should suggest him to always wear glasses.

"eew Lexa, you're drooling" sabi ni Kurt, saka lang ako natauhan.

"di ah!" sabi ko sabay punas ng laway sa baba ko, "oo nga pala fiancé dear, pano'ng hindi pa kayo nadadamay sa gulo? Not that I'm praying for it."

"we're secured." He briefly answered without looking at me.

"very secured" dagdag ni Rod na nakaconcentrate din sa monitor niya.

"wow, so hindi na pala dapat ako mag aalala" I said, "pero how come na your account is secured, but the Villanueva's and Hans' account are not?"

"secured sila dati, pero nagawan ng paraan nung mga hacker, kaya bago pa masali yung kina Bryce at Etong, dinoble na namin ang security nila." Explained Elias.

"you know what? Pwede kayong maging super millionaire na dalawa" I said then Rod and Elias looked at me with their genius-smirk.

"bakit naman namin gugustuhing maging millionaire?" tanong ni Elias.

"boring kaya nun, madali mong makuha ang gusto mo, not fun" said Rod and they went back to work.

They have a point there kaya tumango nalang ako.

If you are wondering what I am doing, I am actually doing..nothing, as in nothing. Eh ano naman ang gagawin ko? Wala akong alam sa mga codes na tinatayp nila. Tinuruan nila ako noon pero nakalimutan ko na. nakakahilo yung mga codes eh, sila na ang mga computer geniuses.

Moral support nalang ang itinutulong ko sa kanila.

All of the sudden, my phone screamed at napatingin silang lahat sa akin.

"hindi ko kasalanan ha! Lagi niyong pinapalitan ringtone ko eh" depensa ko.

"sagutin mo na, ang ingay" sabi ni Rod.

"opo sir" sabi ko and I ran out of the basement and settled in our sala.

New number? Who could it be?

"yuhoo?" tanong ko sa caller.

"ano'ng yuhoo? Oi prinsesa, kumusta ka na?" sagot ng familiar voice.

"Jason? Jason!!?" 

"namiss mo ko?" he asked.

"OMG! I've been waiting for your call since forever! Ba't ngayon ka lang tumawag!?"

"sorry, walang signal dito sa villa, heto nga't nasa itaas ako ng puno ng mangga."

I giggled just by imagining him on top of a tree.

"eh kumusta naman kayo ni Mary Jane?" tanong ko.

"we're fine, mabuti nga't hindi mareklamo si Mary Jane. She's saying about something like honeymoon daw nina Bella at Edward, kilala mo yung mga yun? Kaano ano nila si Mary Jane?"

Me and My Boys VOLUME 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon