Chapter 4: Lovers In The Fire Exit

18K 589 38
                                    

Nathaniel's POV

"Keep an eye on him" utos ni bossing Bryce nung isusubo ka na sana yung ninakaw kong pizza ni Lexa, busy na naman kasi siyang nakikipagsigawan kay Kalbo.

"Huh? Sino?" Tanong ko kay Bryce at tinignan ko yung tinitignan niya--ahh, yung si Lunar, "bat ka ba nag aalala dun?" Tanong ko at sa wakas, kinagat ko na yung pizza.

"Just keep an eye on him" seryosong sabi niya.

Anlaki na talaga ng pinagbago ng taong to, pero at least hindi na mainitin ang ulo niya.

"Hayaan mo na, mukang hindi naman siya papatulan ni Lexa, relax ka lang" sabi ni Jason.

"Oo nga, para namang wala kang tiwala kay Lexa, kahit pa abnormal yang babaeng yan, loyal naman" sabi ni Kurt.

Ibinalik ni Bryce yung tingin niya sa table namin at minasahe yung temple niya.

"May tiwala ako kay Allexa, pero wala akong tiwala sa lalakeng yun" sabi niya.

"Sige na sige na, kami na ang bahala sa Lunar na yun" sabi ko

"Eh ikaw? Kelan mo naman liligawan yung si Crystal?" Tanong ni Kurt at sabay sabay kaming napatingin kay Crystal na parang hindi comfortable sa table nina MJ.

"Saka na" sagot ko.

"Saka na..kung.. May pinatulan siyang iba?" Tanong ni Kurt at binato ko siya ng plastic fork tapos tumawa pa sila ni Jason.

Actually, nagusap na kami ni Crystal tungkol sa bagay na yun, nung last year pa.

"Hindi pa pwede, kailangan muna niyang magfocus sa pag aaral niya" sagot ko sabay ngiti sa kanila na sabaysabay iniikot ang mga mata nila. Hindi ko na sila pinansin at nagfocus na ako sa pizza ko, pero bago ko pa kinagat yung pizza, biglang may namatok sakin at inagaw yung hawak ko.

"How many times did I tell you to not touch my food!" Reklamo ni Lexa.

"Isang kagat lang eh, damuut!" Sabi ko.

"Isang kagat? Eh halos crust nalang ang naiwan ah!"

"Hehe, bibilhan nalang kita mamaya?"

"Promise?"

"Promise" sabi ko and I ruffled her bangs pero tinapik niya yung kamay ko.

"Kuya Bryce, kelan ba babalik si Ashley?" Tanong ni Allen.

"Di ko alam" sagot ni Bryce, akala siguro nila ni Lexa, hindi namin alam na naghoholding hands sila sa ilalim ng table, tsk tsk tsk.

"Ba't di mo sya tawagan?" Tanong ni Lexa kay Allen.

"Hehe, nevermind nalang po" sabi ni Allen.

"Baka anytime soon, did you enroll her?" Tanong ni Lexa kay Bryce

"Nope" matipid na sagot niya

"Huh? Eh sino'ng mag eenroll sa kanya?" Tanon ni Lexa

"Bahala na" sagot ni Bryce.

Nagusap na sila ng tungkol kay Ashley, ako naman, ibinalik ko ang tingin ko kay Crystal at nahuli ko siyang nakatingin sa amin, or sa akin? Ngumiti siya kaya nginitihan ko din tapos yumuko na siya.

Kung decision ko lang ang masusunod, siguro noon pa na naging kami, pero hindi eh. I respect her and her decisions, I can wait naman, I am a patient man.

Then my phone beeped and I looked at it. My heart skipped a beat. Kaya pala siya yumuko para itext ako.

'Tapos ka ng kumain?' Tanong niya.

Me and My Boys VOLUME 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon