Chapter 48

15.1K 489 92
                                    

Jason's POV

Naalerto kami nung nadinig namin ang tili ni Lexa pero nagrelax agad kami nung nakita namin siyang hinahabol nina Kalbo sa gitna ng school gymnasium at may hawak silang mga paint brush. Gusto ko sanang sumali kaso kailangan ko pang ikabit yung mga light bulbs sa stage. Sigurado akong bukas pa nila matatapos yung pinipinturahan nila dahil sa kakalaro.

Dagdag sa punishment namin yung pag ayos sa school gym kung saan gaganapin yung prom. Nagtitipid ata ang school, pwede namang kumuha ng taga ayos, kailangan pa nila kaming pahirapan. Kung tinanggap sana nila yung pera ni Bryce, edi tapos.

"Bro, hanap ka ni MJ" sabi ni Nathaniel mula sa baba. Ikinabit ko yung hawak kong bulb at bumaba sa hagdan, "ako na ang bahala dito" dagdag niya.

"Asan siya?" Tanong ko.

"Sa likod ng stage"

Tumango ako at tinapik ko siya sa balikat.

"Salamat pare" sabi ko at iniwan ko siya, pumunta ako sa likod ng stage at hinanap si MJ, sakto kausap niya si Bryce.

Tumigil silang dalawa at tumingin sila sakin.

"Ano'ng problema?" Tanong ko.

"Alis na" utos ni MJ kay Bryce sabay tulak sa kanya.

"Pagkatapos kong isakripisyo ang mahalagang oras ko para lang samahan ka dito, ganito lang ang igaganti mo sakin?" Tanong ni Bryce ky MJ pero nagkunwari siyang hindi niya iyon nadinig at kumapit siya sa braso ko.

"Tara dun," itinuro niya sa gilid, "I don't want us to talk if this ugly buffalo is around" dagdag niya at naggrunt si Bryce saka umalis.

"Ang sama mo sa best friend ko" sabi ko sa kanya.

"Hindi ah! Madrama lang siya" she said and dragged me in the corner.

"How's your day?" Tanong ko sa kanya habang umaakyat siya sa table para doon umupo, sumandal lang ako sa tabi niya, we were both facing in front.

"Mm, it's fine. I helped Kyle and Lunar with the paper works. And yours? You're doing a good job by the way! Wala pang isang araw pero madami na kayong nagawa."

It's true. We just started fixing the damn gym this morning.

"We just got carried away, alam mo na, pag sinimulan nung mga gagu na magtrabaho, diretcho na yan, maliban lang kung simulan ni Lexa na istorbohin kami"

"Hehe, she's just making y'all happy. Oo nga pala, mom called a while ago, she's asking about our wedding this summer"

Shoot! I forgot about the wedding!

"Uhh, yeah, well,." Sabi ko.

"Jason, do you really want us to get married this summer? Pwede ka pang magback out since hindi pa natin nasisimulang magplano."

I looked at her. She looked sincere. So innocent. So pure.

I smiled at her and took her hand at hinalikan ko ang likod ng palad niya.

"Bakit naman ako magbaback out? Bakit ko pa hihintaying tumanda tayo kung sigurado na akong ikaw ang kalahati ko? Mas maganda na yung maaga nating simulan ang next level ng buhay natin, di ba?"

At first, she just stared at me, tapos unti unti siyang ngumiti at tumango. Pero ang hindi ko gusto, yung tumulo ang luha niya.

"Ugh, stop. You know I hate it when you cry" sabi ko sabay punas sa luha niya.

"I'm sorry babe, I'm just so, so, so happy that I finally have your heart." She said at kinuha niya yung dalawang kamay ko, tumayo ako sa harap niya (between her legs) para magpantay ang mga mata namin, "Don't worry about the wedding, the girls and I will take care of it"

Me and My Boys VOLUME 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon