Chapter 39

11.4K 443 26
                                    

Continuation:

After one year, naging Beta ako ni Yato. I was 12. But I was strong. Stronger than anyone in the room but Yato. No. No one can beat Yato. I was good at everything, sooo good that the older gangsters feared me. i was strong and fast.

"Tan" tawag niya sa akin nung nasa roof top kaming dalawa, "gusto kong lumaya"

"Ano'ng ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Tulungan mo ako Tan, gusto kong makalaya dito"

"Hindi kita maintindihan "

"Gagraduate na ako ng highschool. Gusto kong mag aral ng college"

"Edi mag aral ka"

"Kung mag aaral ako, iiwan ko ang gang."

Natahimik ako. Hindi niya pwedeng gawin iyon! He belongs to our gang!

"Pero kuya Yato, kailangan ka namin" sabi ko. Unang beses ko siyang tinawag na kuya. Tumawa siya.

"Tan, hindi mo ako kailangan, alam mo yan. Pero kailangan ka ng Brusko."

"Ikaw ang Alpha!"

"At ikaw ang susunod na Alpha. Hamunin mo ako. Talunin mo ako."

"Alam mo kung ano ang kaya kong gawin, delikado!"

"Kaya mong kontrolin ang sarili mo."

"Ayaw ko"

"Ayaw mo dahil lampa ka Tan"

Gulat akong tumingin sa kanya.

"Lampa ka parin hanggang ngayon"

"Hindi yan totoo!"  Umalis ako sa tabi niya.

"Lampa ka dahil hindi mo ako kayang talunin. Lampa ka dahil takot kang talunin kita"

"Gusto mo ba talagang mag aral ng college?" Tanong ko.

"Hahamunin mo ako?" Tanong niya.

"Oo. Hindi ka mag aaral ng college. Humanda ka mamayang gabi dahil papatayin kita"

Umalis ako. Bakit ko nasabi yun kay Yato! Hindi siya maniniwala. Oo hindi siya maniniwala. Alam niyang hindi ko iyon magagawa.

'Tan! Tama na!' Dinig kong sigaw ni Kalbo pero patuloy ko pading sinusuntok si Yato. Napapikit ako saglit dahil napunta sa muka ko ang dugo niya. Lalo pa akong naexcite, hinawakan ko siya sa kwelyo at pinaupo. Hindi na niya mabuksan ang mga mata niyang nagmumugto. Ngumiti ako.

Kill him! Said the devil inside me.

"Yun lang ba ang kaya mong gawin?" Tanong ni Yato, lumalabas ang dugo muna sa bibig niyang basag.

Lumapad pa lalo ang ngiti ko at inabot ko yung baril sa likod ko at itinapat sa pagitan ng mata niya.

"Tan, huwag" sabi ni Pekto pero parang bulong lang ang nadidinig ko.

"Sige na Tan, tapusin mo na ako. Para ikaw na ang susunod na Alpha" sabi niya.

"Tan huwag!"

Inilayo ko yung baril pero hinawakan iyon ni Yato at iniharap sa dibdib niya.

He pulled the trigger.

>.<

Allexa's POV

He pulled the trigger.

"Oh..my..god" sabi ko. Basang basa na ang mga pisngi ko dahil sa hindi matapos tapos na pagluha ko.

"I almost killed him" he whispered.

Nakakuyom ng mahigpit yung mga kamay at misty yung mga mata niya. Please just cry. But he didn't.

Me and My Boys VOLUME 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon