Chapter 50

15.5K 521 80
                                    

                  

The Graduation Ceremony

Allexa's POV

Minsan natanong ko sa sarili ko, kung hindi ako muntik nang mapahamak noon, makikilala ko parin kaya itong mga kaibigan ko? Kung nakinig sana ako kay lolo, kung nagstay ako sa US, kung hindi ko iniwan ang dating buhay ko noon, meron kayang chance na makikilala ko ang mga kumag na ito?

God works in mysterious ways, hindi ba? Kaya minsan, kung may nadelay kaming lakad, o hindi natuloy na trip, iniisip ko, way yun ni God para iiwas kami sa masasamang pwedeng manyari o may mas maganda pa Siyang plano para sa amin.

I will continue to trust Him.

May tiwala akong may maganda siyang plan para sa mga kaibigan ko, para sa amin. Tulad nalang ngayong graduation day, nalate kami kasi itong sina Nathaniel at Jason, nagmake up pa, para daw glowing ang muka nila sa mga pictures.

Sinilip ko yung mga boys na nasa kabilang row, separated kasi ang mga boys and girls. As usual, sila yung mga maiingay, habang ako, magisa ko lang at walang kausap, nasa pinakahuli pa ako, Class 4F eh. Sina Cystal kasi, sa medjo harapan, lalo na si Mary Jane.

"psst!"

Hindi nakadalo ang mga parents ko at si lolo kasi masyado daw silang busy, I understand. Wala din ang parents nung iba, busy din daw, they understand.

"hoy! bakulaw!"

Tutal, meron pa namang college graduation day na pwede nilang daluhan kaya okay na okay lang na hindi sila makakadalo ngayon.

"earth lice! tingin dito!" tumingin ako sa mga nagtatawag sa akin sa tapat ko, "lipat ka rito!" tawag ni Kalbo at nagmove sila para may empty chair sa tabi ni Bryce.

Tumingin ako sa paligid, mukang nakafocus silang lahat sa speech ni sir Cruz.

"dali na!" tawag uli nila, ngumiti ako at nakaramdam ng excitement.

Saktong natapos yung speech ni sir Cruz, tumayo lahat ng students para magpalakpak and I grabbed the chance to quickly run to the boys' row nung paupo na sila at daling naupo sa tabi ni Bryce na nagising sa gulat. Yup, he was asleep all the time.

"ba't andito ka?" he sleepily asked as he rubbed one of his eyes.

"tinawag ako eh" sagot ko.

"hindi na bale'ng andito siya, muka naman siyang lalake eh" siksik ni Nathaniel na nasa saktong likuran ko at nagnod si Bryce saka pumikit uli.

"at sa kabilang row ka naman dapat" sabi ko kay Nathaniel and he chuckled then sat back. "at sino naman yang katext mo't konti nalang dumikit na yang nguso mo sa ilong mo." Tanong ko kay Etong na nasa tabi ni Kalbo.

"eto kasing si mam Maureen! Ayaw pumayag!" reklamo niya.

"pumayag saan?" tanong ko at hinanap ko si maam sa mga teachers na nakaupo sa stage. Nahanap ko siya sa malapit sa MC at sakto namang tumingin siya sa amin, sa akin, tapos sinenyasan niya akong bumalik sa dati kong upuan.

Ayaw ko nga! Ang sad kaya doon!

Kaya ngumiti ako at nagpeace sign sa kanya saka umiwas agad ng tingin.

"ano ba ang hinihingi mo kay ma'am?" tanong ko uli kay Etong.

"hayan! Pumayag na!" masaya niyang sigaw, yung sakto lang para hindi marinig ng iba.

"pumayag nga kasi saan?" tanong ko at ngumiti lang siya sa akin – yung ngiting labas lahat ng ngipin- tapos busy na naman siya sa cellphone niya.

Me and My Boys VOLUME 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon