Chapter 24: The Kid Is Back

15.7K 557 83
                                    

Jason's POV

Di ko mapigilang ngumiti habang pinapanood ang mga kasama kong nagtutulakan sa pool, pero nawala agad yun nung nagrealize kong walang nagshower sa kanila. I cringe at the thought na napunta lahat sa pool yung mga spaghetti sauce na nasa mga damit at muka nila.

"Doon lang ba tayo banned? Or sa lahat na ng Jollibee establishments?" Dinig kong tanong ni Lexa kay Bryce, nakaupo sila sa bench habang ako naman, nasa table kasama si Kurt.

"Lahat" ako yung sumagot.

"Ay madaya!" Reklamo niya.

Wala na kaming magagawa dun, sino ba naman kasi ang hindi magagalit sa kalat na ginawa namin sa Jollibee kanina. Minsan nakakalimutan naming hindi kami nasa cafeteria para magbatuhan ng pagkain.

"Madami pa namang pwedeng pagbilhan ng makakain" sabi ni Kurt.

"But not as good as Jollibee" sagot ni Lexa, nagkibit balikat lang si Kurt.

"Lexa! Lika dito dali!" Tawag ni Tan, ngumiti ng malapad si Lexa saka tumayo, ni hindi nagpaalam kay Bryce. Pinanood namin siyang umalis hanggang kasamana niya si Tan. Ano na naman kayang kalokohan ang gagawin nung dalawa?

Ang gusto ko kay Lexa, conservative. Tulad ngayon na naka black sweatpants at 3F hoodie lang siya. Mabilis siyang naligo kanina, naisip siguro niyang nakakadiring maligo sa swimming pool kasama ng mga to.

"Kuha ako ng maiinom" paalam ni Kurt saka umalis sa tabi ko, napatingin tuloy ako kay Bryce na nakatutok ang mata kay Lexa.

Poor guy, he is wrapped around Lexa's fingers.

I can't blame him, the girl is special, in a good way, or pwede ding special child, it suits her din naman.

"Pre, hinayhinay lang, baka makakasama niyan sayo" sabi ko sa kanya, ngumiti siya ng konti pero hindi na nagsalita.

Hindi naman talaga masyadong nagsasalita tung gagung to, masyadong matipid.

Kaya di namin siya tinigilan ni Kurt noong nasa grade school palang kami. Kahit naiinis na siya samin sa kakapilit na magsalita siya, di parin namin tinigilan. Itinuring na namin siyang kaibigan pero siya, layo parin ng layo kaya hanggang sa sumuko ns kami ni Kurt at hinayaan nalang sila ni Renee.

Then one time, nilapitan kami ng isang bully, mga lampa pa kami ni Kurt noon kaya hindi kami lumaban. Tapos nagulat nalang kami nung hindi na namin kaharap yung bully, hayun nasa floor na at pinagsusuntok ni Bryce sa muka kahit iyak ng iyak yung bata.

Trinansfer si Bryce matapos nung insidente, at sinudan namin siya. Hanggang sa lagi na kaming magkakasama hanggang ngayon.

Seryoso siyang tao, pero marunong din naman siyang tumawa kapag nagbibiruan kami, hindi rin alam ng marami pero playful din si Bryce minsan, depende lang sa kasama niya.

Tapos dumating sa buhay namin tong si Tan, nung una akala ko baliw siya, nung pangalawang nakita uli namin siya, akala ko parin baliw siya, hanggang sa napatunayan kong baliw nga talaga siya. At walang cure para sa kanya, that b*stard is hopeless.

Hindi pa ako naniwala na siya yung Alpha ng Brusko gang, I know right, Brusko? That is so Tan.

Nagbalik ako sa kasalukuyan nung nakadinig ako ng sigaw at tumatawa si Bryce kaya napatingin ako sa may pool, napangiti ako.

Nakahawak sina Tan at Lexa ng timba, tingin ko puno ng ice cubes yun, tapos ibinabato pa sa mga nagsisitakbuhan. Kaya na 'tsk tsk tsk' ako. Minsan talaga pag nagjoin forces yung dalawa, puro kalokohan ang ginagawa nila.

"Kailan mo siya ipapakilala sa grupo?" Biglang tanong ko kay Bryce na napatigil sa pagtawa at seryosong tumingin sakin.

"Hindi kailangang gawin yun" seryosong sabi niya, tapos napatingin siya sa ibang direction at nagpakawala ng hininga.

Me and My Boys VOLUME 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon