Chapter 31

14.2K 562 61
                                    

At dahil umabot yung votes ng 100, heto na yung update! Haha thank you angels!

Para kina Kurt at Kate and chapter na ito, gusto ko kasing pagtuunan din ng pansin si Kurt. I hope you'll like it!

Happy reading!

------------•------------•-----------•-----------

Kurt's POV

Minsan, gusto kong mapag-isa.

Oo nga't masayang kasama ang mga kaibigan ko, pero meron padin yung mga oras na gusto ko ng katahimikan.

"San punta mo?" Tanong ni Bryce na nakasandal sa pader malapit sa pintuan at pinapanood yung mga baliw na naglalaro ng Tumbang Preso. Kinailangan pa nilang pagpatungpatungin ang mga upuan sa gilid para magkaroon sila ng malawak na playground, kung bakit ayaw nilang maglaro sa labas? Yan ang hindi ko alam at hindi ko na kailangang malaman.

"Sa banyo, gusto mong sumama?" Tanong ko sa kanya, tumawa siya ng mahina at tumingin uli sa mga naglalaro.

"Take your time, bago pa mapansin ni Allexa na wala ka"

Tumingin ako kay Lexa na nakaasungot, siya kasi ang kanina pang taya.

"Diba dapat yung can ang batuhin niyo!? Bakit ako naman ata ang pinapatamaan niyo!?" Tanong niya.

Walang nakatsinelas sa kanila kaya mga sapatos nila ang ginamit, sana lang marealize ni Lexa na siya talaga yung sadyang pinapatamaan, mabuti nalang magaling siyang umilag. Okay na din yun para mahasa ang reflexes niya.

"Sige, ikaw na ang bahala dito" sabi ko sabay tapik sa balikat ni Bryce at tumango siya saka ako lumabas.

Freedom at last!

Tumayo muna ako sa tapat ng pintuan at huminga ng malalim, saka ako naglakad palayo at umakyat sa hagdang papunta sa roof top.

Gusto ko ang sitwasyon namin ng mga katropa ko ngayon. Hindi nila napansin na unti unting nawala ang tatlong rules namin at naging iisa nalang. We don't need to put it in words, ang mahalaga, aware sila.

Maaga kaming natapos sa exams kaya may sinag padin ng araw. Tumayo ako sa malapit sa railing at isinandal ang likod ko sa metal fence  at ibinabad ang muka ko sa araw.

Peace and quiet.

"Sinasabi ko na nga ba, ikaw yung nakita kong paakyat dito"

Sabi ng boses babae, hindi ko na kailangang buksan ang mga mata ko para tignan kung sino siya.

"Sinusundan mo ako?" Tanong ko.

Nadinig kong sumara yung pintuan, baka bumaba na siya. Pero nagkamali ako nung naramdaman kong tumabi siya sakin at sumandal din sa railing.

"Hindi ah, binabalak ko ding magpahangin" sabi niya, "bakit ba gustong gusto mo ang nagpapaaraw?"

Ngumiti ako ng tinignan ko siya. Nakayuko siya at nagsecellphone. Itinali niya ang buhok niya at nakasuot siya ng varsity jacket. Hindi makapal ang make up niya ngayon at mukang lalong lumaki ang mga eyebugs niya.

"Hindi mo ba gusto ang nagpapaaraw?" Tabong ko at umiling siya, nakatutok padin ang mata niya sa cellphone niya.

"Ayaw ko" sagot niya, "hindi ko problema ang kulay ng skin ko"

Bakit pa niya poproblemahin ang kutis niya kung sakali? Sakto lang naman ang kulay niya di tulad ni Lexa na nangingitim na dahil sa kakababad sa araw.

Me and My Boys VOLUME 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon