Chapter 25

16.9K 625 198
                                    

Allexa's POV

"..tapos yun, sabi ko sa kanya, 'je t'aime' tapos sabi niya mahal niya din ako"

"waaah!!" sigaw ko, kinikilig talaga ako sa kwento ni Nathaniel, "tapos? Tapos?"

"tapos iniwan niya ako sa fire exit, how romantic no?"

Tumigil ako sa pagngiti at tinignan ko lang siya, "wow, how romantic" sarcastic kong sabi.

"pero hindi na bale, may plano naman para maging medyo romantic yung sitwasyon namin"

"so kayo na ba?"

"hindi ko nga alam eh, hindi pa kami naguusap kasi lagi siyang busy sa restaurant nila"

Sa bagay, halos work-school-work-house ang schedule ni Crystal eh, minsan ko din lang siya nakakausap, tuwing nakakasalubong ko lang siya sa hallway.

It's been a month mula nung nangyari yung hacking and everything, so ibig sabihin, isang month na silang hindi naguguusap at isang month na mula nung nagsabihan sila ng I love you? 

Umupo kami sa isang bench with our ice cream.

Tatatlo lang kaming galing ice cream shop, kinailangan kasing pumunta nina Bryce, Jason at Kurt sa Alpha house daw nila kasi may problema kaya sina Nathaniel lang at Allen ang kasama ko. hindi ko ipinilit na sumama kasi I know they don't want me to, kaya iniwan nalang nila si Nathaniel sa akin. si Allen naman, alam kong member na siya nung gang nila, he's too young for those kinds of things pero I can see na it's making him strong kaya sinoportahan ko nalang siya.

"bakit po hindi pa kayo eh nagsabi naman kayo ng I love you sa isa't isa?" tanong ni Allen habang sinusubukang ibalance yung hawak niyang ice cream tower, hindi rin biro yung ten scoop in one cone ha.

"hayaan mo Allen, 'pag medyo tumanda kana, saka mo maiintindihang hindi basta basta ang magkaron ng karelasyon" sabi ko at tinapik ko yung kamay ni Nathaniel na sinubukang tumbahin yung hawak ni Allen.

Hindi siya bumili kasi bawal ang sweets sa kanya, pinatikman ko lang ng konti at sapat nayun, hindi na siya nagreklamo kasi alam niyang hindi ako papayag. 

"ang relationship kasi, hindi lang dapat for the mean time, hindi ko nga maintindihan yung iba na pumapasok sa isang relationship para lang masabi nilang hindi sila single, I mean, what's wrong with being single? di ba?" tanong ni Nathaniel, ito yung mga times na lumalabas yung natitira niyang wisdom niya.

"I mean, being single won't make you look ugly, or gay, para sakin it only shows na you value relationship kaya hinihintay mo yung taong para sayo. Walang masama kung mapili kang tao, kesa naman sa maging wreckles ka, tapos kung masasaktan ka, ipopost mo sa Facebook o Twitter? para ano? sabihan ka ng mga tao na tanga ka, or para panigan ka nila? para makuha mo ang simpatya ng ibang tao? para siraan mo yung ex mo? tsk tsk tsk." dagdag niya.

Whoah. where is he getting all of those?

"ate, what is he talking about?" bulong ni Allen.

"something that you should value for the rest of your life" I said with a smile.

"wait, ipopost ko yun sa facebook." sabi ni Nathaniel sabay labas nung phone niya, "eto pa" sabi niya without taking his eyes off his phone.

"what? there's more?" tanong ko pero di niya ako pinansin.

"bakit ba post lang ng post ang mga tao ng kung ano ano? kung ako nga pinagiisipan kong mabuti bago ko ipopost. Kasi diba, kung magpopost ka without thinking, it's like humiliating yourself in front of many people. eh andami kayang nakakabasa sa facebook, hindi lang friends, pati relatives mo."

Me and My Boys VOLUME 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon