Chapter 7: Yung Kakambal Ko! Huhu

15.9K 551 47
                                    

Nathaniel paced back and forth while massaging his temples, he's mumbling something pero di ko maintindihan.

Pagkatapos magusap nina Nathaniel at si Mom niya, hindi na siya mapakali. Hanggang sa nagtransfer kami sa sala, hindi padin siya umiimik.

"Nathaniel, maupo ka nga't sabihin sa amin kung ano'ng bumabagabag sayo" sabi ko.

He took a lungful of air saka ginulo yung buhok niya bago umupo sa tabi ni Allen. No, he actually invaded Allen's space kaya nahulog si Allen sa floor, wala na siyang nagawa kundi ang magpout, poor boy.

"speak up, bro" sabi ni Bryce kay Nathaniel.

"hindi naman kasi sinabi ni Jason na malaking bagay pala yung nangyari sa contract ng US at ng Germany, nadamay tuloy company nina Mom" he said softly, tapos tumingin siya sa akin, "she wants me out of this house"

"a-ano?? Bakit??" tanong ko, they can't do that!

"pinaghihiwalay kayo ni Jason?" tanong ni Kurt.

I remember, Jason told me nung summer na naging magpartners ang companies nila nina Nathaniel mula nung naging magkaibigan silang dalawa. Now that their companies will part ways, they want to part my friends too?? That can't be! Hindi ako papayag!

"can I do something?" tanong ni Bryce.

Umiling si Nathaniel tapos ibinaon niya ang muka niya sa mga palad niya and sighed deeply, tapos tumingin siya sakin with his soft eyes.

"I'm so sorry Lexa" sabi niya at tumayo ako.

"bakit ka nagsosorry? No one leaves this house, not you, not Jason, NO ONE"  sabi ko and he too stood up with a sad smile.

"they will drag me away if I will not go, Lexa. Ayaw kong Makita mong kinukuha nila ako, mas gugustuhin ko yung maayos akong aalis dito" he said.

I suddenly feel heavy, "it's not fair" I mumbled.

"huwag ka ngang maarte," sabi niya sabay pitik sa noo ko.

"oww! What was that for!?" reklamo ko sabay himas sa noo ko but he didn't answer me, instead, he smiled and held both my shoulders.

"para naman akong lalayas ng Pilipinas, babalik lang ako sa dati kong tirahan hanggang sa maayos na ang problema ng mga magulang namin, okay?" he said is his softest voice.

"he'll be back, Allexa. Don't worry too much" sabi ni Bryce, pero alam kong naiinis din siya sa nangyayari.

"teka, ba't parang di ka affected na aalis ako dito?" sabi ni Nathaniel, his goofiness is slowly coming back.

"dahil sa wakas, magiging tahimik na ang bahay na ito" si Kurt ang sumagot.

"tahimik naman ako ah!" sabi ni Nathaniel.

"mas mabuti nang maghiwalay po kayong dalawa ni ate Lexa" siksik ni Allen.

"bakit?" sabay naming tanong ni Nathaniel.

"alam niyo kasi" sabi ni Bryce na tumayo at pumunta sa pagitan namin ni Nathaniel, "kayong dalawa, kapag pinagsama, puro kalokohan ang ginagawa niyo" he said, flicking our forehead in the words 'puro' and 'kalokohan'

"aray naman! Masakit kaya! At hindi naman ako ang may idea ng mga yun." Sabi ko.

Magsasalita na sana si Nathaniel pero biglang may kumatok sa pinto kaya natahimik kaming lahat.

"bumalik kaya yung mga parents ni Jason?" tanong ni Kurt.

"ikaw na ang magbukas" sabi ni Nathaniel sabay tulak kay Bryce na parang naghehesitate din na magbukas nung pintuan.

Me and My Boys VOLUME 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon