Chapter 17: Camera Flash

13.7K 550 117
                                    

Someone's POV

Bakit bumalik si Hans!? Hindi to pwede, ginagalit ba nila ako?!

Pero mukang alam na nilang studyante ako.

Good.

--

Allexa's POV

Kanina pa namin pinapanood si Nathaniel na nakikipag tug of war sa isang second year, pinag aagawan nila? Isang bag ng lollipop.

Papunta kami sa cafeteria nung biglang sumigaw si Nathaniel at may hinabol na babae hanggang sa cafeteria, and guess where they are right now?

On top of a table, saang table? Sa center, sa table ng mga populars.

"Sino na uli yung girl?" Tanong ko kay Jason.

"Si miss Rain, Natsuyuki ata ang first name" he answered.

"Akala ko ba sa kabila yan nagaaral? Bakit andito?" Tanong ni Kurt.

"Loko, last year pa yan andito, di mo lang napansin" said Jason.

Then it rained with lollipops.

"Walang gagalaw!" Sabay na sigaw nung dalawa kaya natigil kaming lahat na nasa cafeteria at dali silang bumaba sa table, "walang pupulot ah!" Sabay uli nilang sigaw.

Then nagparamihan sila ng mapulot na lollipops. Pumulot kami ng tig iisang lollipop na napunta sa table namin and we ate it.

"Natsuyuki Rain? Magkaano ano sila?" I asked.

"Third cousins ata sila? Di ako sigurado, alam mo naman yang si Tan, related sa lahat" said Kurt.

"I see, and why is she coming here?" Tanong ko, sinusundan kasi nung si Natsuyuki si Nathaniel na papunta rito.

"Kuya naman kasi eh" reklamo nung girl.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayong bawal ka sa matatamis? Antigas ng ulo mo, lagot ka 'pag dumating na si Liezel" sabi ni Nathaniel at natigilan sila nung tumingin sila samin, at sabay silang tumingin sa stick ng lollipop na nasa bibig namin.

"Ba't kayo kumakain ng lollipops?" Tanong ni Nathaniel.

"Kasi..blessing? Alangan naman na tanggihan namin ang mga biyayang napupunta sa table namin di ba?" Sabi ko and he sighed in annoyance saka umupo sa tapat ko.

He looks stupid kasi inilagay niya yung mga lollipops sa ilalim ng damit niyang nakatuck in. Para ata hindi na makuha nung bata.

"Andaya! Ako ang bumili niyan eh! Ibalik mo na!" Reklamo nung girl.

"Ayaw." Sabi ni Nathaniel.

"Uhm, hi! Mukang ayaw kaming ipakilala ni Nathaniel, ako si Allexa" masayang bati ko at ngumiti ng malapad yung girl.

"Kilala po kita ate, at lahat ng classmates mo" she happily said.

"Talaga? Masyado ba akong kinekwento ni Nathaniel sayo?" Masayang tanong ko at tumingin yung girl kay Nathaniel.

"Hindi ka nga po niya binabanggit kahit minsan eh" she said.

"Aray! Ansakit naman nun! Sapul hanggang sa buto ko!" Drama ko.

"Hindi-"

"Yow pips! Namiss niyo ako!?" Masayang tanong ng kadarating, si Solar, kasama ni Lunar, kaya di na itinuloy ni Nathaniel ang sasabihin niya sana.

"Ano ba yan! Biglang umingay!" Reklamo ni Kalbo.

"Eh kasi nagsalita ka" sagot ni Solar.

"Ang tagal niyong nawala ah" sabi ni Lunar and they sat next to Natsuyuki na pinipilit padin kunin yung mga lollipops.

Me and My Boys VOLUME 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon