Chapter 5: They Don't Bite

17.7K 598 54
                                    

Allen's POV

Sinusundan ko lang sina ate Lexa at mga kuya ko habang naglalakad kami sa hallway papuntang classroom namin, as usual nasa likod nila ako. Hindi naman ako nagrereklamo since hindi naman sila nagkulang sa pagpapansin sa akin.

"Allen dear, takot ka ba sa frogs?" Biglang tanong ni ate na sumilip mula sa shoulder niya.

"Frogs? Mmm, no ate, why?" Tanong ko, tapos pumunta siya sa tabi ko at inakbayan ako.

"Manghuhuli daw tayo mamaya sa likod ng school, gusto mong subukan?" She asked brightly.

Frogs? Huli? Wow!

"Sure ate! But.. Frogs are poisonous po di ba?" I asked.

"Oo nga?" Tanong ni ate tapos hinila niya yung likod ng collar ni kuya Etong, "poisonous ba yung mga frogs dun?"

"Baka nga sila ang malalason pag hahawakan mo sila eh" sagot ni kuya Etong habang inaayos yung kwelyo niya.

"Di nga kasi! Sabi mo masaya yun, tapos lalasunin mo pala kami? Kaya siguro may topak kayo kasi lagi kayong nanghuhuli ng mga poisonous frogs" sabi ni ate.

"Haha! May topak ka raw kuya!" Tawa ko.

"Kayong dalawa" sabi ni kuya Etong habang tinuturo kami, "huwag kayong sasama mamaya pag manghuhuli kami ng mga palaka ah"

"Eto naman! Hindi na mabiro!" Sigaw ni ate, "sige na nga, I'll trust you ah"

"Oo nga kuya, pasama na mamaya please?" Sabi ko.

"Bahala na nga kayo sa buhay niyo" sabi ni kuya at nagtinginan kami ni ate, then we smiled at each other.

Kapag yun kasi ang line nila, iisa lang ibig sabihin nun, it's a yes.

Bumalik uli si ate sa tabi ni kuya Bryce at masaya niyang sinabi yung mga expectations niya mamaya kapag manghuhuli kami ng frogs. It's not only kuya Bryce who is listening, lahat kami, every time naman na may ibabahagi si ate na ideals and wishes niya, we are always listening to her, di nga lang pinapahalata nung iba.

--

Jason's POV

Heto talagang si Lexa, hindi na matapos tapos ang pagsabi niya ng kung ano ang nasa isip niya. Opposite sila ni MJ, kung si Lexa, madada, si Mj, tahimik, pero pareho ko silang mahal, in different ways of course.

"Ba't di ka takot sa mga palaka?" Tanong ko nung sa wakas natapos na siya sa pagdadada, nasa classroom na din kami.

"Because..they don't bite?" Sagot niya, it was an innocent answer pero okay na rin yun, But I need to tease her.

"Oh, you think they don't bite?" Tanong ko at kumunot ang noo nila ni Allen at parehong nakatingin sakin with their confused face.

"Yes kuya, they don't have teeth di ba?" Tanon ni Allen.

"Oo nga." Dagdag ni Lexa.

"Oh they do" sabi ni Nathaniel na naglean forward tapos we shared a look.

"Di niyo ba alam na nakatago ang mga ngipin nila?" Tanong ko, mukang gumagana na ang pananakot namin kasi kumapit na si Allen sa braso ni Lexa na hirap lumunok.

"W-where are they..hiding their teeth?" Tanong ni Lexa.

Sasagot na sana ako pero biglang may bumatok sa amin ni Nathaniel.

"Tigilan niyo nga sila" sabi ni Bryce na dumaan sa pagitan namin ni Nathaniel at pumunta siya sa tabi ni Lexa.

"Di ba hindi talaga nangangagat ang mga frogs?" Tanong ni Lexa kay Bryce.

Me and My Boys VOLUME 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon