Chapter 18: It's A Trap!

12.5K 471 102
                                    

Allexa's POV

"please pass your papers" sabi ni Ma'am Maureen at isa isa namin sinubmit yung mga papers namin, "teka-" sabi niya nung si Pekto ang nagpass.

"bakit na naman ho!?" tanong ni Pekto na bumalik sa harap.

"bakit itong sinulat mo dito? Red horse?" tanong ni ma'am.

"Bah syempre!" sabi ni Pekto at nagpose na parang siga, "dahil 'ito ang tama'" and nagsnort yung ibang classmates namin.

"yuko" utos ni ma'am at nagdalawang isip pa siya kung yuyuko pa siya o hindi, he did anyway.

Niroll ni mam yung naipong papers namin saka ipinukpok sa ulo ni Pekto ng paulit ulit habang sinasabing "dyan! Dyan ka magaling!" and Pekto was like, "mam ha! Child abuse na yan!"

"maupo ka na!" utos ni mam at nagkamot ng batok si Pekto na bumalik sa upuan niya, "malapit na ang halalan guys, sino ang iboboto niyong class president?"

"si Jason!" sigaw namin.

"vice?"

"si Kurt!" sigaw namin.

"secretary?"

"si Lexa!" "si pangit!" "si impakta!" "si alien!"

"whoy! Ano'ng alien!?" tanong ko pero walang sumagot.

"eh ang treasurer?"

"ako! Mahilig ako sa paghahanap ng treasures mam!" sagot ni Adong at binatukan siya ni Etong na nakaupo sa armchair niya.

"tagahawak yun ng pera dito sa classroom, bobo" he said and I giggled, I can't help it eh.

"auditor?"

Walang sumagot.

"business managers?"

Walang sumagot.

"muse?"

"si Nathaniel!"

"babae dapat!" sigaw ni mam

"si Nathaniel nga!" sigaw namin.

"mga gagu! Suntukan nalang kaya tayo!?" sigaw ni Nathaniel.

"haha! Eh ang prince?" tanong ni mam.

Tumingin kaming lahat kay Bryce na nakatingin na naman sa labas ng bintana. Bigla siyang tumingin from the corner of his eyes at sabay sabay kaming umiwas ng tingin.

"si Allen nalang ho" sabi ni Kalbo ang we all agreed.

"speaking of Allen, kailan ba babalik yung batang yon?" tanong ni mam at umupo siya.

"mam baka next week pa ho" sagot ni Kurt.

"ang tagal naman, pakisabi yung pasalubong ko ha?"

"mam, ano po ba ang gusto niyong pasalubong?" tanong ko.

"lalake syempre" sabi ni Kalbo na nasa likod.

"hindi, pampaganda, mas kailangan niya yun eh" sabi ni Pekto.

"aba't-!" nag inhale si mam saka pinisil ang pagitan ng mata niya para controlling ata ang galit niya, tapos nagrelax siya't inayos ang mga gamit niya, "makaalis na nga dito, tatanda ako ng wala sa oras eh" tapos dali siyang lumabas.

Alone at last!

Kaya naman naging magulo uli yung mga chairs namin kasi kanya kanyang hila kami.

"paano na?" tanong ko sa mga boys na naging busy na naman sa mga cellphones nila.

"ano'ng pano na?" tanong ni Nathaniel sabay sigaw ng 'pew! Pew! pew!', naglalaro ata ng barilbarilan sa phone niya.

Me and My Boys VOLUME 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon