Foreword

12.6K 308 5
                                    


Andrei Joanna (AJ) Suarez isang babaeng maganda..... ahmm.... di katangkaran, sakto lang ang height, maputi at makinis ang kanyang balat wala kang makikitang kahit na anong peklat o anuman kapintasan. Medyo nabiyayaan din naman sya ng kahit konting utak— talino. Ang pamilya nila ay nagmamay-ari ng isang kilalang restaurant. Meron din silang boutique.

Labing walong taong gulang na si Andrei Joanna. Kumukuha sya ng kursong BS in Business Administration sa JC University.

Si Luisa Suarez ang nanay nya at si Johnny Suarez naman ang tatay nya. Dalawa lang silang anak at sya ang panganay. Jacob Suarez yan ang pangalan ng bunso nyang kapatid.

Magkalapit sila ng kanyang kapatid kaya't palagi silang nagkakabiruan kaya't dumadating sa punto na nagkakapikunan at inisan.

Sa loob ng kanilang bahay ay responsable sya kahit na may ilang katulong sila, di pa rin sya nagaasal reyna. Mapagmahal sa pamilya si Andrei Joanna at maalaga sya sa kanyang kapatid.

Responsable din sya pagdating sa pag-aaral. Hindi katulad ng ibang estudyante na gustong maging famous sa eskwelahan si Andrei Joanna ay hindi, gusto nya ang tahimik na buhay pagdating sa paaralan. Ayaw na ayaw nyang nalalagay sya sa limelight ng eskwelahan nila. Pero kahit tahimik ay may ilang kaibigan din sya at may bestfriend na tinuturing— secret bestfriend. Yes, lihim lang ang pagiging matalik na magkaibigan nila pero yun ay pagdating lamang sa loob ng paaralan.

Di madaling magkagusto si Andrei Joanna sa isang lalaki. Wala din syang crush kahit isa man lang. Mataas ang standard nya pagdating sa lalaki. At sa ngayon, wala pa syang nakikitang umabot sa standard nya. Wala pa syang nakikitang masasabi nyang dream guy nya.

***********

Please support this one. Keep on reading.... SWEAR!! Maeenjoy nyo sya.

And please...... Do not steal. PLAGIARISM IS A CRIME. 👊

Enjoy po!!!
God bless.
Jne❤

[Edited]
04.22.2020

My Dream GayOnde histórias criam vida. Descubra agora