Chapter 38

1.3K 47 1
                                    

"Ready?"

Napalingon si AJ kay Andrei. Nasa loob na sila ng sasakyan at papasok na sila sa school. Napatango na lang si AJ bilang sagot.

Mabilis na inistart ni Andrei ang sasakyan at umalis na.

Naging tahimik ang kanilang byahe. Wala ni isa man sa kanilang ang nagiimikan. Nakafocus ang mata ni Andrei sa kalsada.

Dahil sa walang magawa si AJ kaya kinuha nya ang phone at earphone nya sa loob ng bag nya. Isasaksak na sana ni AJ ang earphone sa kanyang tenga ng biglang may dumating na text message sa kanya.

Napalingon sya kay Andrei ng makita nya ang pangalan ng nagtext.

Kinneth?

Untag nya sa utak nya. Medyo ipinasok nya ng konti ang phone nya sa loob ng bag. Takot syang baka lumingon si Andrei sa gawi nya at makita ang text ni kinneth sa kanya.

Habang nakatingin si AJ kay Andrei ay pasimple nyang binubuksan ang text ni kinneth.

Nilingon nya ang text ng masigurado nyang abala si Andrei sa pagmamaneho.

"Good morning love. See you later. I love you.--Kinneth."

Napakagat sa labi si AJ matapos nyang mabasa ang text na yun ni Kinneth.

Shocks!! Agang -aga binibigyan mo ako ng problema!! Kinneth!!

"Joan---"

"Ha?!!"
"Ano yun?!!"

Napatakip si AJ sa kanyang bibig ng biglang napalakas ang boses nya. Nagulat sya sa pagtawag sa kanya ni andrei kaya di pa tapos ang sinasabi ni Andrei ay pinutol na nya ito.

Nangunot ang noo ni Andrei dahil sa tinuran ni AJ sa kanya.

"Sorry."

Nag"peace sign" si AJ habang itinatago ang mukha nya sa likod ng kamay nya.

"Ano bang nangyayari sayo?"

Nakakunot pa din ang noo ni Andrei habang itinatanong iyon. Umayos na naman ng upo si AJ at kalmadong nilingon si Andrei.

"W-wala."
"Nagulat lang ako sayo."
"Ano ba yun?"

Iniwas ni AJ ang kanyang mata. Ipinaling nya ang ulo nya sa labas. Kinapa pa nya ng isang kamay nya ang phone nya at saka ipinasok yun ng tuluyan sa loob ng bag.

"Nothing."
"Nevermind it."

Wika ni Andrei. Napapreno sya dahil may humps sa kalsada. Malapit na sila sa university.

Ano ba naman ito? Di ako mahilig sa kape pero nininerbyos ako sa dalawang to.

Mahigpit na hinawakan ni AJ ang strap ng shoulder bag nya.

Lumipas lang ang ilang minuto ng marating na nila ang parking lot ng university.

Kunot noong sinipat ni AJ ang labas dahil sa sobrang daming tao sa labas at meron pang mga estudyanteng galing sa ibang paaralan.

"What's happening here?"
"Anong meron?"

Nilingon nya si  Andrei sa kanyang tabi matapos sabihin yun. Nakakunot din ang noo nya dahil sa pagkalito.

"Foundation week. Joanna."
"I'm sorry. I forgot to tell you yesterday."
"Nawala sa isip ko.

Bumaba ang tono ng boses ni Andrei. Habang si AJ naman ay napalingon ulit sa labas.

"Ngayon na pala yun."
"Anong gagawin natin ngayon?"
"Meron na ba tayong booth?"
"Anong napili nyo? nila?

Sunod-sunod na tanong ni AJ habang pinagpalit-palit ng tingin si Andrei at sa labas.

My Dream GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon