Special Chapter

3.2K 87 29
                                    




"Uuwi na ba talaga tayo?"
"Gusto ko pang magstay e."

Nakabusangot na wika ni AJ ng pumasok sya sa loob ng sasakyan ni Andrei. Napangiti naman si Andrei dahil sa naging asta ng girlfriend nya.

Napagdesisyunan na nilang umuwi na makalipas ang tatlong araw na pananatili nila sa resthouse na iyon.

"Come on My Dream."
"We need to share the good news."
"Baka mabalatan din ako ng buhay ng tatay at kapatid mo pag di pa kita iniuwi sa inyo."

Wika ni Andrei kay AJ ng makapasok na din syasa loob ng sasakyan. Hinaplos pa nya ang pisngi nito.

"Ewan ko sayo.."
"Sige na nga."
"Tara na.."

Nakabusangot ang mukha na sagot ni AJ. Isinandal nya ang likod nya sa upuan at kasabay noon ay naghalukipkip pa sya.

Napapangiting inistart ni Andrei ang sasakyan.

"Fasten your seatbelt My Dream."
"Here we go."

Wika pa ni Andrei ng hinawakan nya ang clutch. Di naman yun pinansin ni AJ. Finocus lang nya ang tingin sa labas.

"I love you."

Napasinghap si AJ ng bigla nyang madinig yun. Hanggang ngayon ay nagugulat pa din sya pag naririnig nya ang mga salitang iyon mula kay Andrei. Hinarap nya si Andrei na diretsong nakatingin lang pala sa kanya.

"Love you too."

Sagot ni AJ dito habang nakatingin din sa mata ni Andrei. Dinala naman ni Andrei ang kanang kamay nya sa pisngi ni AJ at marahan nyang hinaplos yun.

"Pwede bang bago tayo umuwi ay dalhin muna kita sa isang lugar?"

Napakunot ng noo si AJ dahil sa naging tanong ni Andrei sa kanya.

"Saan naman?"

Tanong din ni AJ na litong-lito pa din sa naging tanong sa kanya.

"Sa simbahan.."
"Dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo ay di ko na kayang maging girlfriend ka lang."

Namilog ang mata ni AJ dahil sa mga narinig nya. Naitakip pa nya ang dalawang kamay nya sa bibig nya.

"Ano bang kalokohan yan?"
"Magtigil ka nga."
"Magdrive ka na lang dyan."

Binatukan ni AJ si Andrei. Napatawa na lang ng malakas si Andrei na parang di nasaktan sa pagbatok sa kanya ni AJ.

Napapangiti na lang si Andrei habang pinagpapatuloy ang pagmamaneho.

---

"Hey bro."

Tinapik ni Julius ang balikat ni Kinneth ng lapitan nya ito sa upuan nito. Abala naman si Emmanuel sa pakikipagusap sa babaeng kaklase nila na nasa may gilid ng kwarto. Nagangat naman ng tingin si Kinneth dito.

Wala silang klase dahil nagpaalam ang prof nila na aalis muna saglit.

"What?"

Bored na tanong naman ni Kinneth dito. Inalis na ni Julius ang kamay nya sa balikat ni Kinneth. Naupo sya sa upuang katabi lang ng upuan nito.

"You want to come with us?"
"Their coming back..... with the good news."

Mas inilapit pa ni Julius ang inuup'an nya kay Kinneth. Tiningnan nya ito ng diretso kahit na abala si Kinneth sa pagkutingting sa phone nya.

"Kayo na lang."

Mababang boses na sagot ni Kinneth habang nananatili ang atensyon sa screen ng phone nya.

"Di pwedeng kami lang."
"You are required to come."
"Isipin mo na lang ang mararamdaman ni AJ pag di ka pumunta."
"Be sensitive bro."

Muling tinapik ni Julius ang balikat ni Kinneth bago sya tumayo at bumalik sa sarili nyang upuan.

My Dream GayWhere stories live. Discover now