Chapter 26

1.5K 60 6
                                    




"You better go home."
"You need to take a proper rest."

Wika ng doktor kay AJ. Nakatingin lang si AJ sa doktor. Nasa clinic sila. Nasa gilid lang ng kama na hinihigaan ni AJ ang prince 4 at si Jainnah. Sakto namang lunch break. Mamaya pa din ang klase nila dahil vacant nila ng tatlong oras.

"Di po ako pwedeng umuwi."
"Magpapahinga na lang po ako dito sa clinic."

Saad ni AJ sa doktor. Makikita sa mukha nya ang pagmamakaawa. Nagkatinginan ang doktor at si Andrei.

"Joanna."
"You need to go home."
"Wag ng matigas ang ulo."

Seryosong saad ni Andrei kay AJ. Nakatingin ito ng diretso sa mata ni AJ.

"Ayaw ko drei."
"You heard me."
"Wag mo akong pilitin dahil mapapagod ka lang."

Seryosong saad din naman ni AJ. Ayaw nya sa ideya na sinabi ng doktor. Ayaw nyang umuwi sa kanila dahil alam nyang magiging praning na naman ang magulang nya. At pag nangyari yun ay di na naman sya makakapasok sa school. Mabuburo na naman sya sa kwarto nya.

Nilingon ni Andrei ang doktor. Nakikiusap ang mata nya sa doktor.

"Okay."
"You can stay here."

Pagpayag ng doktor. Para namang nawalan ng tinik sa dibdib si AJ. Malawak ang pagkakangiti nya.

"Thank you po. Doc."

Masayang saad nya. Nginitian sya ng doktor at tumango. Matapos noon ay umalis na ang doktor sa harapan nila. Sabay - sabay na lumapit sa kama sina Emman, Julius, andrei at Jainnah. Naiwan si Kinneth na nakasandal sa pader.

"AJ."
"Sure ka bang di ka uuwi?"
"Mabuti atang sa bahay nyo na lang ikaw magpahinga."

Wika ni Jainnah. Napangiti si AJ dahil sa kinilos ni Jainnah.

"No. I'm fine."
"I'm okay. Really."
"Don't worry about me."
"Thanks for the concern."

Nakangiting sagot ni AJ. Nilingon nya isa - isa sina Jainnah, Emman at Julius.

"I'll buy you lunch."
"Wait for me here."

Basag ni Andrei. Napatingin ang lahat sa kanya. Umayos ng tayo si andrei. Nilagay nya ang kamay nya sa bulsa ng pantalon nya. Naglakad na sya palabas ng clinic.

"Hey bro."
"Wait for us."

Sigaw ni Emman ng makalabas na si Andrei. Nagpaalam muna sila kay AJ bago sunod - sunod na lumabas ng clinic para sundan si Andrei.

Nang makalabas na ng clinic sina Emman ay napahinga ng malalim si AJ ng walang dahilan.

"Ugly Clumsy."

Napaangat ng ulo si AJ ng marinig nya yun. Tumaas din ang kilay nya.

"Anong ginagawa mo dito?"
"Bakit di ka sumama sa kanila."

Nakataas ang kilay na tanong ni AJ kay kinneth. Cool na cool pa din na nakasandal si Kinneth sa pader. Pinagmasdan ni kinneth ang mukha ni AJ. Parang pinagaaralan ito.

"I'm not hungry."

Napaikot na lang ng mata si AJ. Iniwas na nya ang mata nya kay kinneth. Tumagilid sya ng higa. Patalikod kay Kinneth. Ipinikit nya din ang mata nya.

"Pinahihirapan mo lang ang sarili mo."
"Maging ako ay nahihirapan na sayo."
"Sige. Alis na ako."

Naimulat ni AJ ang mata dahil sa sinabing yun ni Kinneth. Mabilis nyang hinarap si kinneth pero di na nya naabutan dahil lumabas na ito ng clinic.

My Dream GayWhere stories live. Discover now