Chapter 4

3K 95 6
                                    



Nanatiling ganun ang pwesto ni AJ sa kanyang kama habang iniintay ang kanyang bestfriend.

Six na ng gabi pero iniintay pa rin nya ang kanyang bestfriend na dumating. Patingin-tingin sya sa phone nya para tingnan kung nagtext ba ito pero wala. Sumusulyap din sya sa kanyang orasan.

Pa-special pa ang baklang yun. Bwisit. Kung alam ko lang nung una na bakla sya di ko na dapat tinanggap bilang kaibigan. Hassle! Pagsisisi nya sa kanyang utak.

Ginabi ang bestfriend nya dahil may practice pa ito ng basketball. Varsity player ang kaibigan nya kaya wala talagang nakakahalata na tagilid ang kasarian nito.

Magaling magpanggap ang bestfriend nya dahil inaral talaga ito dahil mahigpit ang ama nito. Pinagbuti nya ang pagpapanggap para di sya mahalatang binabae. Kung pumasok siguro tong artista agad itong makukuha dahil sa husay nitong magpanggap.

Tulala na si AJ sa kwarto nya ng biglang tumunog ang cp nyang kalalapag nya lang sa lamesa sa gilid.

"Hoy!! Bruha!! San ka na? Kanina pa kita iniintay!!" Sigaw ni AJ sa kabilang linya.

"Hinay-hinay sa boses bestie. On the way na ako."

Baklang-baklang sambit ng nasa kabilang linya. Pag talaga si AJ ang kausap nya ay kusang lumalabas ang kabaklaan nito.

"Letseng 'on the way' yan!! Kanina pa yan!" Tumayo mula sa kama si AJ dahil sa sobrang inip, inis— naghalo-halo na.

"Oh, bestie, nakikita ko na ang gate ng bahay nyo. Bruha. Baba ka na. Dali!!" Ani ng kaibigan sa kabilang linya. Di pinapansin ang pagmamaktol nito.

Halos liparin ni AJ ang daan patungo sa gate. Gusto na nyang bombahin ng samo't saring mura at matitinding salita ang kaibigan. Hindi sya mapakali.

Mas tumindi ata yun ng makita na nya ang kabuuan ng bestfriend nyang kala mo nasa runaway kung makapaglakad ng maarte patungo sa kanya.

"Hi bestie. Power hug naman dyan." Bati ni Andrei. Open arms pa syang lumapit kay AJ para manghihingi ng isang yakap. Tumuwad sya habang nakabukas ang parehong braso sa harapan ng babae.

"Tantanan mo ako dyan sa kaartehan mo!! Tinarayan nya na lang ito. Naglakad sya patungo sa may pool, sa may bench.

"Ito naman!!" maarte pa nyang tinapik si AJ sa balikat nito. "Naglalabing lang e." Tampong sabi nya. Nagcross arms pa sya habang ipinipilantik ang mga daliri.

"Makaramdam ka Andrei ha. Hindi ako natutuwa sa inaasta mo!" Nauubusan nyang pasensya ng makarating sa bench at maupo.

"Ko?" Litong tanong ni Andrei. Maarte nya pang hinawakan ang dibdib nya na parang sumakit yun. "Anong kasalanan ko sayo babaita?" Maarte syang humalukipkip habanag nakaharap sa pool.

"Andrei Marquez." Mababang tono pero mararamdaman ang galit doon. Nagangat ng tingin si AJ at sinalubong naman yun ni Andre. Naglalaban na sila ngayon ng titigan.

Napabuntong hininga si Andrei. Sumusuko. Pakiramdam nya hindi bibitaw ang bestfriend nya kaya sya na ang gumawa.

"Ok! Ok! Cease fire bestie!" Maarteng tumabi sya sa kanyang kaibigan. "Ano ba talagang naging problema? Tell me?" Tanong nya habang may kung anong binubugaw sa may braso nya.

"Andrea Marquez!!!" Dobleng sigaw ni AJ. Nadinig ata yun sa buong bahay dahil sa lakas noon. Napatayo sa inis si AJ. Lumapit sa may pool.

"Ok! Fine! Fine! Sorry!" Natatarantang hingi ng tawad ni Andrei. Nakaramdam sya ng kaba dahil sa sigaw na yun ng kaibigan nya. Feeling nya nadinig na ama nya ang sigaw na yun! Megash! Saan sya pupulutin pag nangyari yun?!

My Dream GayWhere stories live. Discover now