Chapter 36

1.4K 50 10
                                    



Matapos ang halik na yun ay biglang tumayo si AJ at lumabas ng gym. Dire-diretso lang syang naglakad. Nang makarating na sya sa sasakyan ni Andrei, itinuon nya ang kaliwang kamay nya doon tapos ang kanang kamay naman nya ay ikinawit nya sa bewang nya.

Pakiramdam ni AJ na parang tumakbo sya ng ilanv kilometro. Hingal na hingal sya dah sa sobrang bilis ng tibok ng pusk nya.

Gosh!! May namatay na ba dahil sa halik? Ako palang ata. Feeling ko nasa heaven ako.

Wika ni AJ sa kanyang utak. Hinahampas nya ng mahina ang dibdib nya. Sinusubukan nyang kumalma dahil baka may makakita sa kanya. Akalain pang baliw sya.

"Joanna."

Biglang napatuwid ng tayo si AJ ng marinig nya ang boses ni Kinneth sa likuran nya. Madiin nyang pinikit ang mata nya.

Ano bang gusto ng lalaking to?

Nangangalit ang ngipin ni AJ habang sinasabi yun sa kanyang isip.

Lumapit pa ng konti si Kinneth kay AJ.

"Look at me."

May pagmamakaawa sa boses ni Kinneth. Nakaramdam naman ng lungkot si AJ. Dahan-dahan nyang hinarap si Kinneth.

Mariin na tinitigan ni Kinneth ang mga mata ni AJ habang naglalakad sya palapit dito.

"What are you doing?"

Nangunot ang noo ni AJ. Ihinarang nya din ang kamay nya kay Kinneth. Napaatras sya dahil patuloy pa din si Kinneth sa paglapit sa kanya.

"Hey."
"Anong biro ba ito?"

Tanong pa ni AJ na medyo naiirita. Naramdaman na nya ang paglapat ng likod nya sa sasakyan ni Andrei. Tuluyan namang napadikit ang kamay nya sa matipunong dibdib nito. Walang suot na pangitaas si Kinneth kaya kitang-kita ni AJ ang katawan nito. Damang-dama nya ang init ng dibdib nito.

Para  napaso si AJ ng madama nya ang dibdib ni kinneth kaya agad nya yung inalis.

"Nakikipagbiruan ba ako?"

Itinuon ni Kinneth ang kanang kamay nya sa sasakyan ni Andrei. Hinahabol ng mata nya ang mata  ni AJ pero sadyang iniiwas ni AJ yun.

"Pumasok ka na nga sa loob."

Inis na saad ni AJ. Nakatitig lang si Kinneth sa mukha ni AJ. Inalis na nya ang kamay nya sa sasakyan ni Andrei. Inilagay na lang nya ito sa bulsa ng suot ng short.

"Parang basong nabasag ang puso ko ng makita ko ang halik na pinagsaluhan nyo."
"Ang sakit."

Parang huminto sa pagtibok ang puso ni AJ ng marinig yun mula kay Kinneth. Punong-puno ng lungkot ang mga salitang yun. Unti-unting namang inangat ni AJ ang ulo nya.

Kitang-kita nya ang sakit sa mga mata ni Kinneth. Parang gusto nyang yakapin ito para maalis ang lungkot na yun.

Walang salitang tumalikod si Kinneth at naglakad papasok ng gym.

I'm sorry. Sorry.

Wika ni AJ sa kanyang utak. Nakatingin lang sya kay kinneth habang papasok ito sa loob ng gym. Bagsak ang balikat na sumandal si AJ sa sasakyan. Tinunghay nya pa ang ulo nya. Habang pinagmamasdan ang langit ay wala sa isip na hinawakan nya ang kanyang labi.

---

Nang lumabas si AJ, pumunta naman si Andrei sa locker room. Umupo sya sa upuan na nandun. Sinapo ng dalawang kamay nya ang ulo nya. Napayuko sya.

What have I done? Bakit ko sya hinalikan?

Litong-lito saad nya sa kanyang utak. Pinanggigilan nya pa ang ulo nyang hawak-hawak pa din nya. Di sya makapaniwala na nagawa nyang halikan ang bestfriend nya. Di sya makapaniwala dun dahil alam nya sa sarili nyang bakla sya.

My Dream GayWhere stories live. Discover now