Chapter 43

1.3K 46 0
                                    

"Ingridd."
"Okay na ba ang lahat para mamaya?"

Napalingon si Ingridd kay shane na nasa tabi nya. Napalunok sya ng laway dahil sa matalim na tingin nito sa kanya.

"Of course naman queen."
"Ayos na ang lahat."
"Actually. Yung mga bida na lang ang kulang para mamaya."

Nakangising wika ni Ingridd. Humarap sya sa salamin na nasa harapan nya. Buong lakas namang tumawa si Chienna at Clairenne na magkatabi sa kabilang side ni Shane. Nasa isang salon ang Bitches4 dahil nagpapaayos sila para sa party mamaya. Si Ingridd ang katabi ni Shane.

"Magugustuhan ko ang magiging palabas mamaya."

Wika ni Chienna habang maarteng inaayos ang buhok nya.

"It's showtime."

Maarteng kinumpas ni Shane ang dalawang kamay nya sa hangin ng sabihin nya yun.

"Gosh!! Excited na ako." Untag ni Clairenne.

"I can't wait." Wika naman ni Chienna.

"This will be the best foundation party. Ever!!" Saad naman ni Ingridd.

"Girls." Napatingin ang tatlo kay Shane sa may salamin. Nanahimik sila at inintay ang sasabihin pa nito. "Bigyan natin ng pinakamemorable na party si Joanna. Nakakahiya sa kanya kung di man lang natin sya bayaran sa ginawa nya sa atin, hindi ba?" Inisa-isang tiningnan nito ang tatlong babae. Sabay-sabay na tumango habang nakangiti ang tatlong babae kay Shane. Nagkatitigan sila sa may salamin.

---

"Nay. Okay na ba tong suot ko?"

Nahihiyang tanong ni AJ. Nakaharap sya sa vanity mirror nya at pilit nyang inaayos ang suot nyang dress. "Black" ang kulay ng dress na napili nila. Up shoulder ito kaya litaw ang magandang balikat ni AJ. Above the knee ang dress kaya maging ang maputi nyang binti ay kitang-kita.

"Your a goddess anak."
"Mana ka sa akin."
"Hahahaha."

Napapout ng labi si AJ dahil sa sinabi ng kanyang ina. Sobrang kaba na nga ang nararamdaman nya pero nagawa pa syang biruin ng kanyang ina.

"Nay naman e."
"Tigilan nyo na yan."

Pagmamaktol pa ni AJ. Umalis sya sa harap ng salamin. Nagpunta sya sa may at doon naupo.

"Kinakabahan talaga ako nay. Hayy."
"Di ko alam ang nararamdaman ko."

Naiyuko ni AJ ang ulo nya. Di nya maipaliwanag kung bakit ang bilis na tibok ng puso nya. Excited sya sa party dahil date nya si Andrei pero may kaba at takot din syang nararamdaman. Halo-halong emosyon ang nararamdaman nya, sa madaling sabi. Gusto nyang sumigaw para mawala ang kaba sa dibdib nya pero di nya magawa. Di pa sya nasisiraan ng bait na sumagaw sa loob ng kwarto nya ng wala namang dahilan. Baka sa halip na sa partysya pumunta baka sa mental institution sya dalhin ng magulang nya

Tumabi si tita luisa sa kanyang anak. Inabot nito ang kamay nito.

"Don't think too much anak."
"Enjoy the party. Yun lang ang dapat mong gawin."

Ngumiti ito kay AJ kaya napangiti na din si AJ dito.

"Thank you so much nay."

Inalis ni AJ ang kamay nya sa hawak ng kanyang ina at mabilis na niyakap ito. "I love you nay, kayo ni tatay at syempre si Jacob. Mahal na mahal ko kayo."

Tinapik-tapik naman ni Tita luisa ang likod ni AJ. "O sya-sya. Tama na ang drama at baka masira pa ang light make-up na inilagay ko sayo.

Napangiti si AJ dahil sa tinuran ng kanyang ina. Nakangiti tuloy sya ng magkalas sila sa yakap. Malambing pang hinawakan ni tita luisa ang mukha ni AJ at sabay na ngumiti ng matamis. "I'm so proud of you anak. Always remember that." Nangingilid ang luhang tumango si AJ. Hinawakan pa nya ang kamay ng kanyang ina na nakalagay sa kanyang pisngi.

My Dream GayWhere stories live. Discover now