Chapter 39

1.3K 50 0
                                    





Naging abala sina AJ at ang Prince 4. Si AJ ay sa pagseserve ng mga order ng kanilang nagiging kostomer. Habang ang prince 4 naman ay abala sa pagbibigay ng flyers.

Pinagkakaguluhan ang prince 4 ng mga estudyanteng babae mula sa iba't-ibang eskwelahan at maging ang mga estudyante ng JCU.

"Ang init!!"
"Tinalo ng araw ang hotness natin mga bros."

Wika ni Emman habang pinapahid ang pawis na tumutulo mula sa kanyang noo pababa sa may pisngi nya.

"Bilisan na natin para matapos na tayo."

Seryosong saad ni Andrei habang inabutan ng flyers  ang estudyanteng babae na dumaan sa harap nya .

"Dyan na kayo."
"Tapos na ako."

Napalingon sina Emman, Julius at Andrei kay Kinneth dahil sa sinabi nito. Napataas pa ng kilay si Emman.

"Walang ganyanan Kin."
"Tumatakas ka e."

Ani Emman habang lumalapit sa pwesto ni Kinneth.

"What?"

Mataas na tono na pananalita ni Kinneth. Lumapit at ihinarang ni Andrei ang kanang kamay nya sa pagitan ni Kinneth at Emman.

"Kumalma nga kayong dalawa."

Wika ni Andrei. Tinapik nya pa ang balikat ni Kinneth.

"Wag kayong sumabay sa init ng panahon." Wika ni Julius habang palapit na din sa pwesto nila. "Halika na nga Emman." Kinabig nya ang braso ni Emman at hinatak palayo kina Kinneth at Andrei.

"Tara na. Tayong dalawa na lang ang magsama." Inakbayan ni Andrei si Kinneth at hinatak nya ito sa kabilang direksyon. Pero di pa sila nakakalayo ng biglang inalis ni Kinneth ang kamay ni Andrei sa kanyang balikat. "Gusto kong mapag-isa." Plain na sagot ni Kinneth. Inilagay nya lang ang kamay nya sa bulsa ng pants at saka iniwan doon si Andrei na nakatayo.

Takang sinundan ni Andrei ng tingin si Kinneth na naglalakad palayo sa pwesto nya.

Weird. Problema nya?

Untag ni Andrei sa kanyang utak.  "A-ah Andrei pwede ba kaming makahingi nyan?" Napalingon si Andrei sa kanyang gilid. Nakatayo doon ang tatlong babae. "Sure. Here." Inabot ni Andrei ang tatlong flyers sa babaeng nasa gitna. Kilig na kilig namang kinuha yun ng babae.

Pagkaalis ng tatlong babae sa harapan ni Andrei ay iniangat nya ang hawak nyang flyers.

Ang dami pa nito

Wika ni Andrei habang binibilang ang flyers na hawak nya. Napahinga sya muna ng malalim bago nagpatuloy muli sa pamimigay ng flyers.

---

"Where's my shirt?"

Napaangat ng ulo si AJ. Nakita nya ang seryosong mukha ni Kinneth na nakatayo sa kanyang gilid. Napatingin din ang ibang estudyante sa kanya. Yung iba ay di mapigilan ang kilig. Titig na titig naman yung iba sa katawan ni Kinneth. Parang tinutunaw nila ang abs ni Kinneth dahil sa mga titig nila.

"Tapos na kayo?"
"Asan sina Andrei?"

Ipinaling ni AJ ang ulo nya sa gilid ni Kinneth para tingnan kung nakatayo doon sina Andrei. Naibalik nya ang paningin nya kay Kinneth ng mapagtanto nyang magisa lang ito at di kasama ang tatlo.

"Asan si--"

"Pwede bang ibigay mo na lang sa akin ang damit ko?"

Pinutol ni Kinneth ang pagsasalita ni AJ. Gulat namang tinitigan ni AJ si Kinneth.

My Dream GayWhere stories live. Discover now