Chapter 46

1.5K 50 0
                                    



"Tok tok tok tok."

Napapitlag si AJ ng marinig nyang may kumatok sa pinto ng kwarto. Pakiramdam ni AJ ay ilang sya sa nasa paligid nya.  Gusto nyang mapagisa.

"Joanna? Nak?"
"Are you okay?"

Nagaalalang tanong ni tita luisa sa kanyang anak. Mula sa pagkakahiga ay naupo si AJ sa kama nya. Isinandal nya ang likod nya sa headboard ng kama. Nanlalambot sya.

"Tok tok tok tok."

"Ayos lang po ako nay."
"Wag na po kayo magaalala."

Sagot ni AJ ng muling kumatok ang kanyang ina sa pinto. Wala namang narinig na salita pa si AJ sa kanyang ina. Nadinig lang nya ang yabag ng paa nito palayo sa kwarto nya. Naipikit ni AJ ang mata nya at inalala ng kanyang isip ang lalaking mahal nya.

Di ako nagsisisi sa nangyari. I love drei.

Hinawakan ni AJ ang labi nya. May naglandas pang luha sa kanyang mata. Tuluyang tinakpan ni AJ ng kamay nya ang buong mukha nya dahil di nya mapigilan ang malakas na paghikbi.

Nagkulong lang si AJ sa kwarto nya. Gusto nyang mapagisa at gusto nyang makapagisip.

Di lang iisang araw syang nagkulong sa kwarto kundi umabot ito ng linggo. Lalabas lang sya sa kwarto nya para kumain at matapos noon ay babalik muli sa kwarto. Di na nya inisip na may school syang dapat pasukan.

---

"Ipasa mo sa akin."

Utos ni Julius kay Emman. Nakalahad ang kamay nya para saluhin ang bola. Vacant nila kaya nagpasya silang maglaro. Si Emman, Julius at Kinneth.

"Kin. Catch."

Wika ni Emman ng ihagis nya ang bola sa direksyon ni Kinneth. Inis na kumamot si Julius sa ulo nya. "Siraulo ka ba? Tayo magkakampi tapos kay Kin mo ipinisa? Masasapak kitang gago ka e." Pagbubunganga ni Julius habang dinidipensahan si Kinneth. Tumatawa lang si Emman ng pumwesto sa likuran ni Kinneth. "Yaan mo na. Pagbigyan natin. Kahit man lang sa bola manalo sya..... Hahahahaha." Iiling-iling na hinaharangan ni Julius si Kinneth. Kita nya ding nanlisik ang mata ni Kinneth.

"Can I join?"

Napahinto sila sa paglalaro ng biglang dumating si Andrei. Humigpit ang hawak ni Kinneth sa bola. Hinawi nya pa si Julius at Emman na nakahara sa dadaanan nya.

"What are you doing here?" Mararamdaman sa salitang yun ni Kinneth ang galit.

"Anong klaseng tanong ba yan? Kin. Bro---"

Di natapos ni Andrei ang sasabihin dahil binigyan sya agad ni Kinneth ng isang suntok. Napadapa sya sa sahig.

"Wag mo akong matawag-tawag na bro. Gago ka."

Durong saad ni Kinneth. Hinawakan sya nina Emman at Julius para pigilan.

"Your a f*cking liar!!"

Galit na saad ni Kinneth. Nangangalit ang ngipin nya dahil sa tindi ng emosyon na nararamdaman nya. Inalis nya ang kamay ni Emman at Julius sa braso nya at agad na lumapit kay Andrei. Kinwelyuhan nya ito.

"Hayop kang bakla ka."

Gigil na saad ni Kinneth. Nagkatinginan si Julius at Emman. Di sila makapaniwala sa sinabi nito. Inis namang binitawan ni Kinneth si Andrei.

"Anong kalokohan to?" Untag ni Julius habang nakatingin lang kay Andrei. Umayos naman ng pagkakatayo si Andrei at lakas loob na hinarap ang kanyang mga kaibigan.

"Yeah. I'm gay." Walang kurap na sinabi yun ni Andrei. Marahas namang napabuga ng hangin si Emman at nagpamewang. "Kalokohan to. Tang*na."

"Gago ka. Umayos ka drei. Sasapakin din kita pag nagkataon." Saad ni Julius habang naglalakad palapit kay Andrei.

My Dream GayWhere stories live. Discover now