Chapter 35

1.5K 54 10
                                    

"Joanna. Wake up."

Gising ni Andrei kay AJ. Nakatayo lang sya sa may gilid ng kama ni AJ. Pumasok na sya sa kwarto nito katulad ng sabi ni tita Luisa. Mahirap gisingin si AJ sa umaga kaya hinayaan ni Tita Luisa na gisingin ito ni Andrei.

Tulog na tulog si AJ. Nakatagilid ito. Nakaharap sya kay Andrei. Napatingin naman si Andrei sa mukha ni AJ. Isinuksok nya ang kamay nya sa loob ng bulsa ng pants nya. Kinamot ni AJ ang kanyang ilong habang nakapikit pa din. Matapos yun ay ipinailalim nya ang kamay nya sa may pisngi nya.

Habang pinagmamasdan ni Andrei si AJ ay wala sa isip na napapangiti sya.

Para kang anghel.

Saad nya habang nakatitig sa mukha ni AJ. Lumapit sya sa kama at lumuhod  para mapagmasdan nya ng malapitan ang mukha nito.

Kitang-kita ni Andrei kung gano kakinis ang mukha nito at kung gano kahaba ang pilikmata nito.

Napababa pa ng tingin si Andrei. Dumako ang mga mata nya sa mapulang labi ni AJ. Napalunok sya ng laway ng matitigan nya ng mabuti yun.

Shett!! Bakla ako pero bakit gusto kong matikman ang labi mo.

Kinagat pa ni Andrei ang kanyang labi. Titig na titig sya sa labi ni AJ. Para namang may magnet sa pagitan nila dahil unti-unting lumalapit ang mukha ni Andrei sa mukha ni AJ.

Gahibla na lang ang lapit ng labi ni Andrei sa labi ni AJ ng dahan-dahang nagmulat si AJ ng mata. Napakunot ang noo nya at bigla syang napaupo sa kama.

"Drei?"
"Bakit andito ka sa kwarto ko?"

Mabilis nyang hinigit ang comforter at agad nyang tinakpan ang katawan nya. Tumayo si Andrei mula sa pagkakaluhod. Sinundan ng mata ni AJ ang pagtayo nito.

"Loka!!"
"Kanina pa kitang ginigising."
"Kala ko sleeping beauty ka kaya pinlano kong halikan ka para magkamalay ka. Bruha."

Palusot ni Andrei. Naglakad sya palapit sa pinto ng kwarto. Nakasunod pa din ang paningin ni AJ kay Andrei. Nakagat din nya ang labi nya.

"Bilisan mong maligo at magbihis."
"Intayin kita sa baba."
"Don't forget to bring extra shirt para may pampalit ka."

Wika ni Andrei habang hawak-hawak ang doorknob. Inalis ni AJ ang comforter sa katawan nya. Umabante sya at ng makarating sya sa dulo ng kama ay dun naupo sya. Nakalapat sa sahig ang paa nya.

"What?"
"Extra shirt?"
"What are you talking about?"

Palabas na sana si Andrei pero nahinto sya ng marinig nya yun mula kay AJ. Nilingon nya ito na nakataas ang isang kilay.

"Check your phone."
"Nagmessage ako sayo kagabi."
"Sige na. Kumilos ka na."
"I'll wait for you sa may living room."

Saad ni Andrei. Lumabas na sya ng kwarto. Di na nya inintay ang sasabihin ni AJ.

Automatic na napalingon si AJ sa phone nya na nakapatong sa side table. Mabilis syang tumayo at nilapitan ang phone. Agad nyang binuksan ang text ni Andrei.

"You are going with me to the gym tomorrow. I won't take no for an answer. Joanna. Good night.--- Andrei."

Napatingin si AJ sa pinto na nilabasan ni Andrei. Nangunot ang noo nya. Ibinalik nya muli ang mata nya sa text ni Andrei.

My Dream Gayحيث تعيش القصص. اكتشف الآن