Chapter 48

1.5K 55 2
                                    



Araw ng lunes at napagdesisyunan na ni AJ na pumasok ng school. Ang dami na din nyang namiss na lesson.

Sa pagbaba palang nya mula sa sasakyan nila ay tiningnan sya agad ng mga estudyante. Yung iba ay nagbulungan pa.

Nilingon ni AJ ang dalawang estudyanteng nagbubulungan. Agad naman silang umiwas at naglakad palayo.

Taas noo namang naglakad si AJ papasok sa building nila. Ginawa na lang nyang bingi ang sarili habang naglalakad.

Paakyat na sana sya sa hagdan ng napahinto sya dahil may kamay na lumapat sa balikat nya. Napalingon sya sa gilid nya.

"Let's go."

Nakangiting saad ni Kinneth. Napatulala si AJ. Di nya inaasahan si Kinneth na lalapit sa kanya matapos ang ginawa nya dito.

Hindi na nakapagprotesta pa si AJ. Sumabay na lang sya kay Kinneth sa pagakyat ng hagdan.

Pagdating nila sa taas ay napatigil si AJ at napatingin sa mga estudyanteng nasa may corridor, sa dadaanan nila. Binalot sya ng kaba dahil sigurado syang paguusapan sya ng mga ito.

"Don't mind them."
"Andito lang ako sa tabi mo."

Wika ni Kinneth ng hapitin nya pa si AJ padikit sa kanya. Nadala si AJ sa paglalakad ni Kinneth at dahil doon itinungo na lang nya ang ulo nya. Sa bawat paghakbang pa ay pigil ang paghinga nya.

"Di kita iiwan."
"Di ako katulad ni Andrei."
"Ibahin mo ako Joanna."

Di lalo nakahinga si AJ ng marinig nya yun  mula kay Kinneth. Nasa tapat na sila ng pinto ng room nila. Inalis na din ni Kinneth ang kamay nya sa balikat ni AJ at nauna na syang pumasok. Napahawak naman si AJ sa kanyang dibdib ng maramdaman nyang bumilis ang tibok nito.

Nabalot muli ng lungkot si AJ dahil naalala nya muli si Andrei. Nangingilid ang luha ni AJ ng pumasok na sya sa room nila. Walang imik syang naupo sa upuan nya.

"Hey. Are you okay?"

Napaangat ng ulo si AJ ng madinig nya ang boses ni Jainnah. Sa lalim ng iniisip nya di nya napansin na pumasok na ang kaibigan nyang matagal na nawala sa klase.

"Hi.. How have you been?"

Tanong din nito sa kaibigan. Ayaw nyang sagutin ang tanong nito dahil alam nya sa sarili nya na hindi sya okay.

"I'm good..  Welcome back to me?"

Nakangiting sagot ni Jainnah. Napangiti na din naman si AJ pero di naman umabot sa tenga yun.

"I miss... you."

Sa pagsabi ni AJ ng mga salitang yun iba ang mukhang naalala nya. Hindi si Jainnah na kaharap nya kundi si Andrei na miss na talaga nya.

"AJ?.. Okay ka lang ba talaga?"

Nagaalalang tanong ni Jainnah kay AJ ng mapansin nyang pinangingilidan ito ng luha.

"Huh??.. Yah.. I'm good. I'm great..."
"There's nothing to worry about... I'm fine..really."

Sagot ni AJ habang pinipilit ang sariling maging masaya.

Mula sa kabilang upuan ay nakamasid lang si Kinneth kay AJ. Nalulungkot sya sa nakikita nyang kalalagayan ng dalaga. Mahal na mahal nya ito. Napansin nya din ang pasimpleng pagpahid ni AJ sa mata nya mamasa-masa.

Ilang minuto lang ang lumapas ay dumating na din ang prof nila. Nahiya pa si AJ dahil binati pa sya ng prof nya ng makita syang andun at present sa klase. Sa taya'y namiss talaga sya ng prof nila.

My Dream GayWhere stories live. Discover now