Chapter 18

1.6K 59 0
                                    




"Doc."
"Kamusta po?"

Agad na tanong ni Andrei matapos suriin ng doctor ang paa ni AJ. Nakatulog naman si AJ matapos ang pagcheck sa kanya ng doctor. Siguro ay dahil sa pagod. Pinainom sya ng pain reliever. Nagamot na din ang sugat nya sa mukha. Nagsisimula na namang pumasa ang gilid ng labi ni AJ dahil sa malakas na sampal ni shane. Halatang- halata ang pagod sa mukha ni AJ. Nasa pinakamalapit na ospital sila.

"Ayon sa resulta."
"Nagkasprain sya."
"Kailangan lagyan ng simento ang paa nya."

Saad ng doctor kay andrei. Nasa may gilid naman sina emman, julius at kinneth. Nakaupo naman si Jainnah sa sofa sa may gilid. Napatingin si Andrei kay AJ na nakahiga sa kama at tulog.

"Kaano-ano ka ng pasyente?"

Naibalik ni andrei ang tingin sa doctor ng tanungin sya nito.

"Bestfriend."
"Classmate."

Sagot ni andrei. Tumango-tango naman ang doctor. Lumapit sina Emman kay andrei. Napatingin ang doctor sa tatlo.

"Nasan ang magulang ng pasyente?"

Tanong pa ng doctor. Naglingunan ang prince 4 sa isa't-isa. Nagtitigan sila at parang naguusap kung sino ang magsasalita. Napadako ang tingin nina emman, julius at kinneth kay Andrei. Alam na ni Andrei ang ibig sabihin noon kaya napahinga sya ng malalim at hinarap ang doctor.

"Nasa trabaho po."

Tumango muli ang doctor kay andrei.

"Maari nyo ba silang tawagan?"
"Kailangan ko silang makausap."

Saad ulit ng doctor. Nilingon muli ni Andrei si AJ na mahimbing na natutulog. Napapikit ng madiin si andrei bago nya nilingon ang doctor.

"Sige po doc."

Pagsangayon ni Andrei sa gusto ng doctor. Ayaw nya sanang ipaalam sa magulang ni AJ ang nangyari pero alam nya ding mas lalong magaalala ang magulang ng bestfriend nya pag nakita ang kalagayan nito pag umuwi na sa bahay.

Umalis muna ang doctor at nagsabing, "tawagan na lang sya pag nakarating na ang magulang ni AJ."

Nang makalabas ang doctor ay lumayo ng konti si Andrei at kinuha ang phone para tawagan ang magulang ni AJ. Nakatalikod din sya kina Emman. Sa may pader sya nakaharap . Di nya alam ang unang sasabihin sa mga ito. At tunay na kinakabahan sya sa magiging reaksyon ng magulang ng bestfriend nya. Sa kanya pinabantayan si AJ habang nasa school pero ngayon nga ay di nya natupad ang pangako na yun.

Nakalimang ring ata bago may sumagot ng tawag.

"Hello?"

Ang ina ni AJ ang nagsalita. Si Tita Luisa. Napahinga ng maluwag si Andrei ng ang ina ni AJ ang sumagot.

"Hello po?"
"Tita?"
"Si Andrei po ito."

Pakilala ni Andrei sa telepono. Humarap sya sa direksyon ng kama ni AJ.

"Oh. Hijo."
"Ba't ka napatawag?"

Tanong ng ina ni AJ sa kabilang linya. Napakagat labi si Andrei sa tanong na yun. Inilagay nya ang isang kamay sa bulsa nya.

"Tita."
"About your daughter po.Joanna."

Mabagal na saad ni Andrei. Humina din ang boses nya.

"Ano yun hijo?"
"Kasama mo ba sya?"

Mas gumapang ang kaba sa dibdib ni Andrei ng tanungin na yun sa kanya. Inilayo nya muna sa tenga nya ang phone. Nasapo nya ang noo nya. Nakailang hinga si Andrei ng malalim bago nya muling idikit ang phone sa tenga nya.

My Dream GayWhere stories live. Discover now